Minsan sa pagmamahal mo sa isang tao nakakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo. Maaaring matagal mong hinintay yung pagmamahal na iyon kung kaya’t nang ito ay dumating agad mong tinanggap ng walang alinlangan. Ngunit ang pag antay na ito ng matagal ay nauwi sa mabilisang pagkawala. Bakit kaya ganoon? Tagal mong hinintay at pinagdasal ngunit naglaho ng parang bula. Paano ka babangon at magsisimulang muli kung ikaw ay nasa kanya pa din. Palaging inaalala ang mga araw at gabi na kayo ay magkapiling. Sapagkat napakalayo ng inyong daigdig sa isa’t isa. Hindi ka naman naghangad ng sobra sobra basta’t alam mong sa iyo pa din siya. Ngunit bakit kailangang bumitaw? Hindi man ito ang nais ngunit tinanggap sapagkat nais kang palayain sa hirap. Gusto mang balikan at sabihing “hindi kita iiwan at bibitawan” ngunit huli na ang lahat. Sana maaaring isigaw ang katagang iniwan ng pelikulang one more chance na sana “ako na lang ulit” ngunit ikaw ay wala namang pakialam. Bumalik ka na sa sarili mong daigdig. Nakalimutan mo na kung paano tayo naging masaya. Ngunit sakin ay napakalinaw pa din lahat. Hindi ko alam kung kailan mawawala ang sakit na ito. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sapagkat ang pagmamahal ko sayo ay umaapaw. Sana kaya kong punuin at ibigay lahat ngunit hindi ka handa sa aking nais ialay. Hindi ka naging pabigat sakin sapagkat ikaw ay aking pahinga. Sa tuwing nakakausap kita ako ay sumisigla. Ngunit ngayon ay wala hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Maaari bang humiling? Hayaan mo akong mahalin ka sa paraan na nais ko kahit masakit. Nais kong ubusin lahat para maibalik ko naman ang dating ako. Dating naniniwala na may darating na tao na magpararanas kung paano mahalin ng lubusan. Ngunit alam ko din na hindi basta basta naglalaho ang pagmamahal ko sayo. Dahil matagal ko itong dinalangin at kahit nawala ay nakataktak na sa puso’t isipan at parte na na aking buhay. Kung kaya’t sana pahintulutan mo ang aking hiling hanggang sa masabi ko “okay na ako” upang harapin ang landas na itinadhana sa akin.