Hindi lahat nabibili ng pera

“pag mamahal nakakain ba yun!”

Ilang letrang salita lang na kayang dumurog ng buong pag katao.

Masaya naman tayo ng una, never naging issue kung sino ang meron o wala. Mga simpleng bagay na kaya kong ibigay at napapangiti na kita, pero bat ganun ng ikay kumuha ng pag ka abugado nag bago ng buong pag katao mo.

Isa akong simpleng tao na nangarap ng isang simpleng buhay kasama ka, ng dahil sayo unti unti kong binago buhay ko. Nangarap na umangat at mabigay lahat ng gusto mo hanggat kaya ko, pero bat ganun wala ng lahat.

Di mo man lang inisip lahat ng mga sakripisyo,pagod,oras at pagmamahal na binigay ko sayo. Yung tipong mangungutang pa ako para maibigay lang pangangailangan mo, yung tipong imbes bayaran ko ang mga atraso ko uunahin ko ang pangangailangan mo. Oo, madami akong maling nagawa. Pero bat ganun, laging mali ko nalang nakikita mo at di ang mga tamang nagawa ko para sayo.

Aminadong gago,walang tinapos, walang stable na trabaho, nakatira pa sa magulang. Samantalang sila na kalaban ko sayo, malamang maganda pinag aralan, may magandang estado sa pamumuhay, di kelangan mag pagod para mag karoon. Anong laban ko nga ba sakanila, ansakit lang isipin na materyal na bagay ang batayan mo sa isang tao para sumaya.

Natapon ang anim na taon, dahil lang sa ganung rason. Anim na taon na saka mo lang ako kilala pag wala kang kausap o bored ka, never akong naging busy para sayo. Pero ikaw lagi kang busy, kahit na nakikita kong nag lalaro ka lang ng paborito mong laro. Pag may mali ako ansasamang salita sinasabi mo, pero bat ikaw wala ka bang mali? May narinig ka ba sakin ng may nagawa ka din, pinakinggan lang kita habang umiiyak. Naging kalmado ako pero sobrang galit sa ginawa mo, inintindi nalang kita at kinalimutan ang lahat.

Sana di ko na sinabi sayo lahat ng problema ko, na malapit na akong ma broke ng sagad. After ng pag kasabi ko sayo nun nag bago ka ng biglaan.

Kung babalik ka pa bumalik ka lang, pero kung hindi nasasayo na yan. Sana magawa ng bago mo kung anong mga sakripisyong nagawa ko, sana unahin ka nya bago sarili nya.

“pag mamahal nakakain ba yun!”,mga salita mong dumurog sa buong pagkatao ko. Salamat mahal.

Exit mobile version