HININTAY BA KITA?

Hinintay daw kita
‘Ika nila
Kung kaya’t ngayon
Lubos ang ligaya

Hinintay daw kita
Hinintay nga ba?
Nung mga panahong
Ako ay nangungulila

Tuwing nakakakita
Ng magkasintahan
na naglalambingan
sa daan,
at mag-asawang
Magka-hawak kamay,
O babaeng may lalaking
Nakaalalay
Sa mga sandaling iyon
Ikaw ba
ang hinihintay kong talaga?

Hinintay daw kita
Sa totoo lang, hindi naman ha
Dahil puso ko’y sumuko na
sa pag-ibig Niya

Sigurado na at wala ng duda
Na ang Kanyang kalooban
Ay para sa aking kabutihan
At ang Kanyang kaluwalhatian
Ang akin ng inaasam
At pinagbubuhusan
Ng lakas at oras
Pinaghuhugutan
Ng ligaya
Sa Kanya na umaasa
Hindi sa’yo
O sa pagdating mo
Sa buhay ko

Dahil kahit wala ka
Ako ay buo na
Kumpleto, ayon sa aking binasa
Mula sa Kanyang banal na salita

Kaya hindi ikaw ang aking hinintay
Kundi Siya na tunay kong karamay
Sa kanyang mabuti, kaaya-aya at perpektong kalooban
ako umasa
Taliwas sa kanilang inaakala
Na hinintay daw kita
Sa totoo lang hindi naman talaga Ikaw
Kundi Siya.

Exit mobile version