Hiram na Sandali

Salamat sa panahong kung saan naramdaman kong naging mahalaga ako sayo.

Na kahit alam kong malabo, ….. na kahit alam kong hindi tayo pwede, muli pa din akong sumubok na kahit alam kong hindi sigurado.

Naniwala sa mga pangarap mo, na kasama ako, sa mga salitang namumutawi sa bibig mo, na merong tayo at hindi kayo.

Ngunit sadyang magulo ang tadhana, pinagtapo lang pala tayo para ipaalala ang mga nakaraang nalimot ko na.

Na minsang naging bahagi ng buhay natin at siyang nagdudugtong sa ating dalawa, na kay sarap alalahanin ang mga alaala ng kahapon.,

Ngunit sa huli, ay muli ka din palang magiging isang alaala na lamang.

Hindi ko man sinasadya, naging marupok ako ng mga sandaling yun, na kahit alam kong hiram at panandaliaan lamang, sumugal pa din ako, na kahit alam ko na sa huli ako pa din ang talo.

Ngunit, sinong bang hindi mahuhulog sa sensasyong idinulot mo, sa init at higpit ng yakap mo na parang wala ng bukas, sa mga halik mo na una kong natikman,  sino bang hindi mahihibang na sa paggising mo sa umaga ikaw ang makikita at muli tayong magiisa.

Kaso ito’y panandalian lang pala, mga hiram na sandali,

Saglitang damdamin ang iniwan mo sa akin, na hanggang ngayo’y ramdam ko pa din.

Hinihiling na lang, na sana bukas makawala, tuluyan ng maglaho ang kahibangang ito, at ang baliw na puso ay huminto na sa pagsakit nito..

Exit mobile version