How I can express my feelings: tips and tricks

Sa mundo kung saan nakatago ang lahat sa tabing ng social media, marami ka na makikitang mga bagay, opinion, komento at mga post kung saan nirerepresenta ang bawat nararamdaman ng isang tao. pero di lahat ng nandito ay totoo.

bilang patunay ay sigurado akong nalinlang kana ng salitang “HAHAHAHAHAHA” na kung saan may iba’t ibang meaning ayon sa sitwasyon. Naiinis, nagagalit, nag tatampo, walang masabi, at syempre iba pang meaning na kung saan ginagamit ito upang  ipang takip sa totoong nilang ekspresyon o nararamdaman.

ito pa ang iba na term for sure naranasan mo nang matangap.

OTW(pero kakagising palang), BRB(na hindi na bumabalik at kakalimutan kana), wait (na kumausap ng iba),SLR (boring na at wala nakong ibang kausap kaya ikaw naman ulit), seen (pero kinikilig, nagagalit, nag tatampo, natatawa), LOL (minsan game, minsan natatawa, madalas expression), OK(depende kung pano na spell, pero pag nawala yung “o” ay maiinis ka) at iba pang reply sayo kung siniswerte ka at kung di nman ay inbox zone (wala akong pake sayo, di kita type, di kita gusto etc.).

pero di papatalo ang mga emoji. Heart emoji (gusto kong mapansin o malaman mong gusto ko yung ginawa, sinabi o ikaw mismo). Smile (ok). Smile na naka blush on( kinilig, nappreciate ka o wala lang magamit na emoticon) at walang kamatayang like(okay yan depende sa size ng like, bored nako kausap ka, ayoko sayo.)

[hahahaahha opinion lang po].

totoo nyan ang mga ito ay nakabase kung pano mo i assume o klaro ba sa iyo ang mga bagay bagay.

example, crush mo yung nag sabi sayo ng isa sa mga yan. kahit ano payan dahil kinikilig ka at gusto mo sya ay madalas positive ang dating pero magiging negative naman kung nag seselos ka.kung normal ka na kaibigan or maybe kakilala is 50/50 at kung may history kayo ng away, tampuhan ay maaring 60% maasume mong masungit, galit o nag tatampo at 40% ok lang. 

pano ko ba ma eexpress ang totoong nararamdaman ko?

Isa lang ang trick ko para sayo:

  1. CLARITY

hindi ito yung nasa DOTA na pag wala kang mana ay gagamitin mo, ‘di rin yung nag bibigay ng mga donation dahil “Charity yun.”

dahil ito ay ang kalinawan(direcho, walang paligoy ligoy, di double meaning, walang hidden feelings) ng iyong mga sinasabi na base sa katotohanan.

At ito ilan sa mga tips ko para sayo:

  • Maging klaro ang intensyon, bakit mo ba kailangan sabihin yung nararamdaman mo.
  • Tama bang ngayon mo i express yan. ibanlance mo yung epekto ng sasabihin mo at pano mo ito sasabihin.
  • Ready ka ba sa respond or sa magiging result ng pag sasabihan mo nito? (good or bad)

In the end, katapangan ang kailangan ng mga kabataan ngayon. pero minsan sobra namang lakas ng loob na napapasubo sa mga naging resulta at karamihan ay nakakasira ng buhay.

sa dulo nito isa lang naman nag klaro at iyon ay mahal na mahal ka ni God.

matagal na nyang sinasabi ito, ang iniintay nya nalang kung pano mo ito tatangapin o tatangihan pero alam mo, di sya nag sawang lumapit sayo kahit na layo ka ng layo at punta ka ng punta sa lugar kung saan walang Sya sa buhay mo. sa huli nandyan parin Sya. umaasa, nag mamahal at patuloy na nag iintay at gagamit ng tao para makilala mo Sya, marinig mo Sya at malaman mo ang totong pag mamahal Nya sayo. na handa nyang tangapin lahat ng tinatago mo sa likod ng social media na kung sino ka, ano ka at ano man ang nagawa mo.

MAHAL NA MAHAL KA NYA. Nawa ay matangap mo na ang pag mamahal nya na kung saan ito ang magwawaksi ng mga bagay na itinatago mo sa social media dahil babaguhin ka nya  mula loob hangang labas.

Di aksidente na nabasa mo ito. nag hihintay sya ng sagot mo.

bow.

Exit mobile version