Do not overthink.
Do not overthink na kapag nag-like ka sa post nya e baka sabihin nya na gusto mo sya. Haler, andami na rin kayang likers. Pero huwag mo namang hukayin yung old photos niya kasi baka ma-like mo at manotify sya. Baka masabi mong “lupa, kainin mo’ko”. I’ve been there. Huwag ako. Haha.
Do not overthink na kapag nag-chat sya e hindi kana magre-reply kasi baka sabihin niya na easy to get ka. Tingnan mo muna baka kasi importante kaya nag-PM sya. Malay mo kailangan nya ng load at nakita ka niyang online at naisip nyang may GCASH ka. Urgent yan. Reply agad. Pero huwag naman yung pa end na nga yung conversation, nag a-add kapa ng topic to lengthen it. Huwag ganun. Busy din siya. Matulog ka na rin ng maaga.
Huwag mo rin hukayin ang old convo nyo baka kasi maka-react ka at ma notify ulit sya. Ikaw din.
Do not overthink na kapag nagpasama sya sayo sa canteen eh may malisya na. Di ba pwedeng ikaw lang niyaya niya kasi parang lagi kang gutom? Samahan mo pero manage your kilig. Huwag ka pahalata. Warriors know how to handle the kilig inside. Chill lang.
Overthinking can ruin your friendship. Masaya sana kaso ikaw ang layo na ng narating ng isip mo. Enjoy your company together as friends but know your limitations. Those things mentioned above, hindi ko naman na perfect yun kasi nag o-overthink din ako minsan pero one tip that I can give to you that I literally applied is this:
Do not think that he is your crush when he is around.
By installing this in your mind, maiiwasan mong mag overthink kasi you’ll treat him as how you are treating your other guy friends.
I really enjoyed those days when we were still studying and if our friendship will not end up into something you know, boyfriend-girlfriend relationship, at least I will not regret those days na hindi ako nag-overthink. We laughed together. I did not pretend in front of him as someone I am not. He saw me sad, happy and messy. Hindi ako nahihiyang ipakita sa kanya yung weak side ko and he is doing the same to me, gaya ng ibang magkaibigan.
Do you want a PART II?