Hoy, Ex – kahit walanghiya ka!!!

Wag kang magpanggap, na nagmahal ka ng tunay at tapat..

Oo nagmahal ka.. Pero hindi yun sapat..

Wag mong ipagkalat, na pagsisisi mo’y sagad…

Sapagkat umulit ulit ka nung ika’y aking pinatawad..

Wag kang magpaawa, hindi sayo bagay..

Dahil Nung sinaktan mo ko ng maraming ulet, para mo na kong pinatay..

Wag kang magmalinis, hindi ikaw ang nagtiis..

Sa mga dusa’t pasakit, lubhang kay pait

Ngayong wala na tayo, labis akong nagalak

Sapagkat nagkaisa aking puso at utak.

Salamat pa rin, kahit papano sa lahat..

Hangad ko pa rin na balang araw, makahanap ka ng pag ibig na tunay at tapat.

 

Bow

Exit mobile version