Huling liham para sa’yo

Sa dinami-rami ng pwede kong makita, bakit ikaw pa?

Halos tatlong buwan na rin magmula nung sumuko ka.

To be honest, hindi pa rin ako nakakamove on. I don’t know how. I also don’t know why you’re still here in my mind. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ikaw pa rin.

Pinipilit kong maging okay noong mga araw na hindi pa kita nakikita ulit (Kahit hanggang ngayon). Pino-focus ko yung sarili ko sa mga responsibilities ko para mabaling sa iba yung attention at oras ko pero parang wala ring epekto at the end of the day ikaw pa rin yung nasa isip ko.

Lumipas ang mga araw, weeks and even months. I thought I was okay until I saw you. Hindi ko alam na ganun lang din kabilis masisira yung wall na binibuild ko para sa sarili ko. I want to move forward, I want to be strong like you, I want to forget everything about us. Gusto kong palayain yung sarili ko mula sa nakaraan natin.

Inaamin kong marami rin akong pagkukulang at mga nasayang na panahon humuhingi ako ng kapatawaran. I still remember your question, “Wala ka bang tiwala sa sarili mo?”, to be honest, hindi ko na alam. Because after all, nawalan na ako ng gana sa buhay pero as days goes by, unti-unti kong binabalik yung sarili ko sa dating ako noong mga panahong wala ka pa.

I always ask myself, “Bakit ka pa dumating sa buhay ko kung pansamantala ka lang mananatili?”, I fought for us, alam mo yan. I did everything I could to bring us back pero wala maling panahon para sa’ting dalawa. Do you still remember why I was so hesitant na pumunta sa bahay niyo? Dahil ambilis ng lahat, lahat ng nangyayari sa’tin ang bilis masyado. And I was so scared that we will ended up hurting each other.

At nangyari na nga yung kinakatakutan ko.

Nakagawa nga pala ako ng tula para sa’yo.

Sana sa susunod na sumugal,
Handa na ang lahat,
Hindi na sana ipilit ng tadhana
Na pagtagpuin pa tayo.

Sana sa susunod na pagsugal,
Aking hiling sana’y huli na
Hindi na sasayangin,
Pagkat hanggang dulo na.

Samahan mo kong maghintay,
Hanggang tamang panahon ay dumating,
Ayoko na ng instant noodles,
Mas pipiliin ang maghintay,
Kung ramen naman ang darating.

 

Dito na magtatapos ang liham kong ito para sa’yo.

Sa lahat ng hindi ko inaasahang pangyayari sa buhay ko, ikaw yung pinaka gusto ko.

Exit mobile version