In a world full of paasa and umaasa, ang hirap umiwas sa mga taong nagpaparamdam sa’yo ng panandaliang kilig or saya. Siguro nasanay na rin tayo sa mga bagay na pansamantala. Kasi people and feelings change so easily nowadays. Pero may mga tao rin talaga na magpaparamdam sa’yo na special ka, kaya lang may expiration pala. May mga tao naman na talagang friendly and approachable lang. Yung pure naman ang intentions, kaya lang nabibigyan ng meaning kapag nasobrahan. Iba-iba nga siguro tayo ng perception. Siguro hindi mo pa lang talaga natatagpuan yung ka-match mo ng idea about love. At habang hindi mo pa siya namimeet, mag-ingat ka na lang muna.
Kaya nauso rin yung pagtawag satin na assuming kapag masyado tayong na-overwhelm sa kilig na nararamdaman natin. Baka nga ikaw mismo nasabihan na assuming ka or advance mag-isip. Kaya lang, paano mo maiisip na hindi mag-assume kung binibigyan ka ng atensyon? Hindi rin kita masisisi. Pero sana bago ka mag-assume, maging clear ka muna sa nararamdaman niya para sa’yo. Ikaw rin. Maging clear ka rin sa nararamdaman mo. Baka nasiyahan ka lang talaga sa pinapakita niya sa’yo, pero hindi naman pala seryoso. So, it’s always better to be sure than to be sorry later.
And for you na nagpaparamdam ng kilig, huwag mong sanayin kung hindi mo kayang mahalin. Baka nasanay na siya na lagi kang nandiyan, na lagi ka niyang nakakausap, na lagi kang nagpaparamdam. And one day when it’s all gone, you were not aware that you have damaged someone’s heart. So, please be careful with your actions and words. If you have no intention of commitment and loving the person sincerely, huwag ka na lang magparamdam para clear sa kaniya na hindi ka interesado. May this make you realize na ang feelings ay hindi pinaglalaruan, kundi iniingatan.
The same goes for the ones who expect too much at patuloy na umaasa sa wala. Huwag mong sanayin ang sarili mo kakahintay sa kaniya, kahit deep inside alam mo naman na wala talagang patutunguhan. Know your worth. And if that person doesn’t value you, then he/she doesn’t deserve you. May taong nakalaan para sa’yo, kaya chill lang. Manage your emotions well and wait for the right person that would show you true affection.