Sa dinami ng mga Sana ko
Baket ung sayo ung pinakamarami
Ung Sana niligawan mo ko
Ung Sana naging tayo
Sana masaya ako
Sana hindi ganito
Sana nasa ganito tayo
Sana ganito tayo
Sana na lang ung kaya ko
Di ko masabi na Sana sumugal tayo
Dahil ako mismo ang hindi sumugal sayo
Ako mismo ang umiwas sa mga tingin at ngiti mo
Ako mismo ako
Baket nga ba hindi ako sumugal
Dahil ba takot ako?
Ay malamang Oo
Takot akong masira ka sa idolohiyang meron ako patungkol sayo
Takot akong isakripisyo kung ano ang meron tayo
Ung takot kong yon ang naghatid saken kung nasan man ako ngayon
Kung saan Sana na lang ang kaya ko
Kung saan Sana na lang ang sinasabi ko
Na kung Sana naging matapang lang ako na sabihin sayo
Tignan mo ko! gusto kita gago!
Mga salitang hanggang Sana na lang para sakin
Mga salitang hanggang ngayon kinikimkim
Mga salitang di ko maisip kung kailan man lalabas
At alam ko rin hinding hind na makakalabas sakin
Sabi nga ni Jessi kay Celeste
“Hindi ako isang painting na ilalagay mo lang sa pader”
Pero un ang ginawa ko eh
Sa takot kong masira ka sa kung ano ka man ang nakikita ko
Hindi ako sumugal sa kung ano man nag nararamdaman ko
Dumaan ako sa sakit pero andito ka parin
Dumaan ako sa ibang daan ngunit ikaw parin
Dumaan ako kung saan pero andon parin
Hindi na wala
Hindi nag bago
Hindi nag laho
Siguro hindi ka lang basta painting sa pader na nakasabit
Pero gayun pa man ung Sana ko,
Sana yun rin yung sayo.