Ilang beses

Ilang beses ka bang tuturuan ng mga salita

Ilang beses ka bang susulatan ng mga sanaysay at tula

Ilang beses ka bang manonood ng pelikulang iisa lang ang iwinawagayway na puno’t dulo?

Ilang beses ka bang babatikusin ng mga tao sa mundo ng internet at social media?

Ilang beses ka bang hahagupitin ng mga malalalim at makasabog dibdib na sermon ng iyong mga magulang?

Ilang beses mo pa bang iisipin ang lahat ng ito?

Ilan lang yan sa mga tanong. Ilan lang din yan sa mga makakasalubong mo sa araw-araw na magsasabi sayo na…

Ilang beses ka pa bang magsasalita’t kokontra sa mga leksyong pare-pareho ng sinasabi?

Kainaman ka talaga.

Published
Categorized as Move On

By Jalm

“Hayaan mo munang isulat kita, bago kita tuluyang isuko.” “Hanggang kailan mo hindi mamahalin ang taong walang ginawa kundi mahalin ka?” “Bago ka sumuko, subukan mo muna. wala namang masamang sumubok sa mga pagkakataong magmamahal.” “Mahirap magsimula kung dulo ang sisimulan. Hindi laging nasusunod ang mga kasabihan kaya subukan mo.”Ilan lamang yan sa mga naisulat nyang salita.Nagsusulat sya bilang isa sa mga nakararanas ng sakit at nagdadala ng sakit ng iba. Nagsusulat rin sya bilang isa sa mga nakakaranas ng saya.Kaya dalawang mukha ng Pag-ibig ang pamagat dahil sa paborito nya ang bandang Sugarfree, Rivermaya at ang mga tumiwalag sa banda na pawang mga bokalista na sina Ebe Dancel, Rico Blanco at Francisco “Bamboo” Mañalac at hindi rin maikakaila na ang mga isinulat nya ay ukol sa masaya at malungkot sa dala ng pag-ibig.Talagang nagdirigma para sa pag-ibig. Talagang tipong “World within the world” ang hilig nya dahil sadyang mapagmahal sya.siya si Jalm /dyam/ , isang 22-anyos na lalaking may hilig sa patagong pagsulat. Isa syang graduate ng Batsilyer sa Komunikasyong Pangmasa.Isa sya sa mga nangongolekta ng mga award sa pang-akademikong aspeto at iba pa noon at ngayo'y nagtatrabaho sa pamantasan na kanyang pinasukan noong kolehiyo.Kaunti lamang ang nakakaalam ng mga isinusulat niya.Mahilig siya sa pagbabasa minsan, sa potograpiya, pag-eedit, bidyograpiya at syempre hindi sya sumusuko na maging guro.Hindi sya palatawa. Tahimik siya. Ngunit kapag siya'y nakilala mo sa personal, tunay syang masaya at nakangiting kikilala sa iyo.Marami lang syang hinaing sa buhay. Marami syang pasakit. Hindi nya ipapakita ito sa personal ng gasyano ngunit kung papansinin, talagang masaya ang makikita mo sa kanya.Nafeature noong 2016 sa betsin-art parasite ang kanyang isinulat na “Tiwala Patungo Sayo”

Exit mobile version