Hindi ako sigurado kung ito ang pinaka unang beses na mag-ppost ang BW ng isang kwento na walang pag-asa. But I hope that you’ll get something from my story.
Tatlong taon na akong na-“Saved” at ito ang pinaka magandang pangyayari sa buhay ko. Ang makakilala sa Panginoon ay ang pinaka magandang pangyayari sa mga taong na Saved na at massave palang. And every saved individual will agree na kakaiba yung pagmamahal ng Panginoon. Unfailing, consistent, truthful, life changing lahat na. Pagmamahal ng Panginoon ang tipong pagnaramdaman muna hindi ka na pakakawalan.
My life before was all about wordly things and immoral relationship,Pornography, sex, alcohol, wrong companion yan yung buhay ko. Pero ang pinaka problema ko ay ang Identity ko.
Natatandaan ko noon una kung masinsinang kinausap ang Panginoon ng totoo, ngunit ang pag uusap nayon ay panunumbat. Isipin nyo na kung anong klasing mga mura ang nasabi ko sa Panginoon, yun yon. Galit ako kasi hindi ko maintindihan ang sarili ko at bakit hindi nya ako matulongan. Pero natapos ang araw nayon na pagtanggap sa kung anong “nafefeel ko”.
Ngunit pagkatapos noon, hindi naging maganda ang buhay ko, hindi ako kuntinto at naghahanap parin ako ng pagmamahal na kahit kaninong tao, kahit sa magulang ko hindi ko makukuha. Ang paghahanap sa pagmamahal nayon ay ibinaling ko lang sa pakikipag siping kahit kanino.
Ngunit sabi sa bible, tayo’y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban.
Mga Taga-Efeso 1:5. Before He created everything I was already in His mind, He choose me to be with Him. So 2015 noong una kung narinig ang magandang balita at 2016 I accepted Jesus as my Lord and Savior then got baptist. It was a major turn of event saakin. My life has changed from the inside out. Nakuha ko sakanya yung pagmamahal na nahahanap ko ng libre.
But my life became more difficult. It is a war of flesh and spirit everyday. And if not because of the Holy Spirit baka bumalik na ako sa dati. Trust me, walang araw na hindi ako nag ffail but because of His love I am still in faith.
I became a youth leader, discipler lahat. I know that God will use my story to inspired others, because it is not my story, but it is His story in my life.
But now, I’m failing it. 😔
Milyong beses na ako nag fail.
Ay walang araw na hindi ako naging faithful, well, of course, kasi Christian life is not difficult, it’s impossible. And only God is perfect. Trust me, I understand everything. Si Kristo lang ang kailangan ko para maging maayos ako. And He is pleased with my humble heart and come to Him than my performance. And once Saved is always saved. Hindi nagbabago ang Panginoon, if the son sets free is free indeed.
But since day 1 that I accepted Him, walang improvement saakin. (well, meron but I am more focus on my identity issue) Pabalik balik ako sa Panginoon, kasi nga I know na He is patient with everyone, He wants everyone to repent. Pag nagkamali, di hingi ka ng sorry, tapos subukan mo ulit na magbago, but this time with the Lord.
Believe me, He knows I’m doing it. Doing all my effort to repent. But am so weak in Flesh. I must admit na pag hindi ko na kaya, mas pinipili ko mag isa, hindi ko sinasabi sa Discipler ko na nanghihina ako at tinitikman ko ulit yun mga bagay na iniwan ko noon.
Alam ko binigay na saakin lahat ng Panginoon, I know that Jesus is enough. But I always question mysefl, Am I really saved?
Minsan iniisip ko, tinanggap ko lang ba si Jesus as my SAVIOR dahil may magmamahal saakin pero ayaw kung maging LORD sya. Diba the knowledge of both Lord and Savior will make you saved? Pero bakit ngayon wala parin akong nagagawang tama sa buhay ko.
Now, the reason kung bakit ayaw kung bumalik? Kasi balut na balut na nang hiya ang puso ko. I know, I KNOW na bumalik lang ako sa Panginoon at mapapatawad ako at kahit kailan hindi nya ako pagdadamutan ng Million Second Chances.
Ngunit iniisip ko, ano kaya kung umalis muna ako at mag isip isip. Hindi pweding dalawa sa relasyon, dapat isa lang. Piliin ko nalang kaya ulit yung buhay ko noon o and buhay kasama ang Panginoon?
Alam kung pagpinili ko ang buhay ko noon, alam kung magiging miserable and buhay ko, alam kung hindi yun ang pupuno saakin, pero yun ang madali eh! O babalik ako sa Panginoon na alam kung sya lang naman ang kaligtasan ko pero mahirap.
Nahihirapan ako, hirap na hirap na ako, maniwala ka saakin na pagud na pagud na ako. Minsan iniisip ko hindi nalang sana ako nakakilala sakanya para hindi mas naging mahirap ang mga iniiisip ko.
Maniwala kayo saakin, gusto kung umalis muna, or umalis na talaga. Pero nasa puso ko parin na makita ang buong pamilya ko na makakilala sa Panginoon kasi alam kung sila ang kailangan nila. Maniwala ka saakin, pagkasama ko mga disipolo kung kabataan, deep inside, feeling ko epokrito ako. Gusto ko umalis na sa faith pero gusto ko silang manatili sa Panginoon dahil si Jesus lang ang kkompleto sakanila.
Alam ko ang pakiramdam ng pagmamahal ng Panginoon, pero feeling ko “This is not for me” which I know all lies by the enemy.
Maniwala ka saakin, walang araw na hindi ko nakikita ang sarili ko na nagsisilbi sa Panginoon through Youth Ministry and testifying. Pero ang hirap at ang tanging paraan lang para matapos ang paghihirap ay bumalik.