Ingatan ang puso

“Ingatan ang puso…”
Tatlong salita na hindi ko inasahang sa iyo pa mismo magmumula.

Gusto kong paniwalaan.
Pero paano?
kung ikaw naman mismo ang bumasag sa pusong ito?

Kung ikaw mismo ang lumapit at nagbigay mobito para ipaubaya ito sa iyo.

Naalala mo ba?
Nung mga oras na sobrang saya?
Yung mga oras na para bang walang lugar ang lungkot?
Na parang sobrang tagal na nating magkakilala.

mga panahon na mapayapa ang aking puso ay bigla mong binihag at naniwala na ang lahat nang ito ay totoo.

Naalala mo ba ang unang araw na kasama natin ang iyong mga barkada, pinakilala mo pa sa iyong pamilya?

Sabay pa tayong nangarap nang bukas.
Mga plano mong kasama ako na para bang sigurado ka na tayo hanggang dulo.

Hangang sa tuluyan nang nahulog.
Kahit nakakatakot.
Kahit hindi ko makita ang dulo.
Ibinigay nang buo ang puso
sa pag aakalang iingatan mo.

Hangang sa unti-unti kang umatras..
unti-unting bumibitaw ang dating mahigpit mong paghawak..

At isang araw pag gising ko…
ang mga sinasabi mo na pangarap mong kasama ako..
ay pangarap mo na lang, mag-isa..
hindi ako kasama.Hindi pala ako kasama.

Na Walang ako. Walang tayo.

“Ingatan ang puso” ang sabi mo…
Pero nakalimutan mo atang ikaw mismo ang bumasag nang puso ko.

 

Exit mobile version