Being a Christian is not easy, but it’s worth it. Lahat naman ng meron tayo ngayon, mawawala eh. Walang permanente sa mundong ‘to.Kahit yung nararamdaman mo sa crush mo,lilipas din yan. Isa lang yung permanente at yun ang love ni Lord sa atin. We need to know our identity kay God para hindi tayo nagssettle for less. We need to check our hearts kung para saan ba ‘to tumitibok.Check our values too, kasi dun nakikita ang pagiging Kristyano natin. We are under God’s grace, not under the law. Fighting with our own flesh is really hard, I think for me yun ang pinakamahirap eh, yung kalaban mo mismo ang sarili mo. Flesh vs. Spirit. Who do you follow? What do you follow? Will ni Lord? O Will ng kapitbahay mo? Don’t please someone, please only HIM.We only have one audience at the end of the day. But we need to respond with love and grace, in every persecution. Same as God did for you, yun dapat ang panay nating iniisip, na kahit anong gawin nating kasalanan, yung love pa rin Nya at grace ang nagooverflow sa buhay natin. Think before you act. ‘Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli dahil sinunod mo yung gusto mo at yung nararamdaman mo. There’s more to life than love. Yung love lang naman ni Lord ang unconditional at permanent eh. For all the Singles, ‘wag mong sasabihing “mehel ne kete” o “mehel ke ne sye” kung wala ka pang pambili ng bigas, mygas o kung hindi ka pa marunong maghugas ng pinggan, tapos tatanungin mo ilan taon na, 14 pa lang pala! Aral muna uy! Again, is Christianity worth it? Of course, YES! You have to decide now, not later. Kung sino at ano ang susundin mo, yan bang marupok mong puso o yung gumawa nito? Let’s enjoy every season na binibigay ni Lord sa atin, be strong enough in every trials and circumstances because you have a BIG GOD, bigger than your problems mga besh.You just have to kneel down before Him and pray.You have to endure every pain to finish this race called life. Kita kita na lang tayo sa finish line. 😊