Isang linggong kilig

Araw ng miyerkules ng una tayong pinagtagpo ng tadhana, Araw na puno ng hiya, kwentuhan at tawanan. Miyerkules na umpisa ng kwento nating itinakda. Mga mata mong nakangiti at boses mong kay sarap sa pandinig na puno ng matatamis na salita mula sa iyong labi. Huwebes pakiwari koy kay bilis ng sandali at inabot ng gabi sa mga kwentuhang di marawi kung saan pauwi. BIYERNES ng gabi ng maramdaman ang kilig at unti unti kong nadarama ang saya at ikaw ang bukang bibig ng aking mga labi. SABADO ang araw na nasabing kay sarap managinip na ikaw ay akin. Mga mata mong nakangiti at tila yata akoy inaakit. Gabi na puno ng tanong ng BAKIT, ANO at PAANO. LINGGO ng muli tayong nag usap na halos araw araw tila yatay ikaw ang aking sinisinta. Hindi mapakali at gusto kitang makita. Tila yata ako ay tinamaan at nabihag mo na rin yata ang puso kong puno ng hiya. Wari koy sa isang tingin mo lang titiklop ako na parang makahiya. Lunes araw kung saan akoy parang baliw tumatawa mag isa at naaaliw. Mga mensahe na kay tamis at pakiramdam koy kulang na ko sa Vitamin C. Puro langgam na kasi at kulang sa asim ang katawan kong kinikilig. Magkakasakit na nga yata ako ng Diabetes sa sobrang tamis. Martes isang araw na lang at isang linggo na at ramdam ko na ang kaba na bigla kang mag iba. Kinabukasan ay Miyerkules na at nangangamba na baka akoy iwan na. Nangangamba na baka matulad sa isang linggo ng pag ibig ang isang linggo natin na puno ng kilig.

Exit mobile version