Lage lang akong nandito yun ang sabi ko sayo dati. Lage kitang tutulungan sa mga bagay na di mo makakayanan mag isa. Lage kita papatnubayan sa mga gabing ikaw ay nag iisa. Hindi madaling maging ako. Kahit kailan hindi naging madaling matalo at tumayo.
Pinili mong umupo nalang sa isang tabi habang iniaabot ko ang mga pangarap natin. Hinihintay kitang tumayo at tulungan ako, pero mas pinili mong umupo. Lahat ng ginagawa ko ay para sayo, sakin at sa tayo. Bakit di ka tumayo? Bakit mas pinili mong umupo?
Dumating yung araw na tumayo ka, pero naglakad ka bigla palalayo. Ang akala ko eh tumayo para tulungan na din ako. Mali pala ang akala ko. Naglakad ka palayo habang ako naman ay patuloy parin sa aking ginagawa. Hindi ito madali ng nag iisa. Tao lang ako, napapagod, nasasaktan at lumuluha.
Bakit hindi mo nakita? Hindi mo nakitang minahal kita ng sobra. Hindi mo nakitang ginawa ko lahat ikaw lang ay sumaya. Hindi mo nakitang sinasaktan ko na sarili ko para lang ikaw ay sumaya. Hindi mo ko nakita kase andito pa ko. Aalis na din siguro ako. Tatanggapin na lamang na hindi na ako ang mundo mo.
Maisip mo sana ako pag wala na ko.
Isipin mo sana kung bakit hinayaan mong mawala ako.