Jowang Jowa ka ba?

Sa mundo ngayon bukod sa I.D. isa naring requirements ay ang mag karoon ng “jowa”.

kaya marami ngayon ang ng babakasali sa dating app, pumuporma at pumupunta ng event at baka nandun si da-wan, at ang mga talamak ngayon ay ang mag paparinig sa social media…

“Jowable ba ako?”

at aaminin ko rin na maiintindihan ko kung babae ang nag tatanong nito, pasakit na mag hihintay ka sa manliligaw sayo. pero paano pag wala? kaya siguro umabot na sa puntong nagtanong na sa social media kung jowable ba sya. kung lalaki ka at umabot sa puntong sinubukan mo naman pero wala parin, baka di pa ready yung nakalaan sayo; “maging better muna tayo”.

itigil na ang sana all culture. ingit lang yan.

In reality Girls, may mga mali dito at sobrang laki. Mga maling mindset na kailangan itama. okay!!!? kay basahin mo at iisa isahin ko ang pag kamot sa kating ito. dalawa lang para di mag sugat.

  • Una, Tandaan mo na di ka mamatay kung wala kang jowa. easyhan mo lang.

totoo ang sarap ng sampal na ito para sa ating lahat na nirerequired yung jowa para masaya ang buhay. lalo na kung ang estado mo ngayon student ka. ihahambalos ko sayo to ng matauhan ka. yung mga ng tatarabaho na nga na kumikita ng sahod pangastos wala ikaw pa na umaasa parin sa magulang mo. tandaan mo ineng at ato, hangang sa nanay nyo galing mga pandate nyo mag isip isip kayo. sa mga graduate na at kumikita na ito naman ang i sasampal ko sa inyo ng bumakat, na sana wag namang mg conform sa sinasabi ng mundo. baka mamaya naman nag mamadali ka at ang date palang may sex na. at kung iyon ang hanap mo lang kaya gusto mo ng jowa, itigil mo na at sana mag pakasal kamuna bago yan. okay!!!?

  • Pangalawa, yung value mo bilang tao ay di dapat mangaling kung may jowa ka o wala kundi duob sa LUMIKHA sayo.

totoo nyan ito na talaga ang pinaka punto nitong blog. ang ipaalala sa ating lahat na ang value mo kay God ay mas higit pa na maging jowable ka, kundi kayong mga girls dapat pang kasalan. Wife material ba. oo tama ka ng basa yung pang kasalan di yung panparaos sa kasalanan. alisin na natin yung ingit natin sa mga love story sa K-Drama, sa Movies nila kathniel o kaya sa mga post sa social media na sweet. tandaan nyo na ang design ni God kay Eba ay makasama si Adan pang habang buhay. di panandalian. okayyyyyyy!!!?

kaya satin ding mga lalaki. before ka mag jowa tignan mo muna kung tunay na lalaki ka na kayang panindigan at pakasalan yung liligawan mo. wag mong irasong bata ka pa baka masampal kita ng pag mamahal.

sa ating lahat na JOWANG JOWA. darating din tayo dyan wag nating madaliin dahil sabi nga ng mga nasakal na, este nakasal na mag babago ang perspective mo pag nandun kana kaya sana maging better muna tayong lahat.

  1. berto kaninlamig! byeee!
Exit mobile version