KALAYAAN

Ilang taon na nga ba tayong may kalayaan.

Dama mo pa rin ba ang tunay nitong kahulugan.

 

Ilang anibersaryo pa nga ba ang dapat na dumaan.

Para lamang di mo malimutan tunay nitong kahalagahan.

 

Ilang buhay pa ba ang dapat masayang.

Para lang bayan ko, maliwanagan ang mamamayan na ang kalayaan ay pinaglaban.

 

Ilang ulit pa nga ba tayong kailangang bumalik sa nakaraan.

Para kalayaang pinagbunyi noon atin pa din maranasan.

 

Hagkan natin ang kasarinlan.

Ikaw at ako ay may kalayaan.

Ikaw at ako ay may karapatan.

Ikaw at ako ay may pananagutan.

Ikaw at ako ay dapat nang magising sa katotohanan.

 

Kalayaang taglay natin kailangang pangalagaan.

Kalayaang taglay natin huwag hayaang yurakan nino man.

Markahan mo. 

Ang araw na ito ay ating kalayaan pero nais kong huwag itong matapos sa araw lamang ng kalayaan.

Sapagkat nais kong hagkan natin ang kasarinlan.

Ilagay sa puso at isipan.

Maging malaya tayong mangarap para sa pamilya at sa bayan.

Huwag tayong magbubulag bulagan.

Kasama natin ang Diyos na gagabay para pangalagaan ang kalayaan.

Hagkan natin ang kasarinlan.

 

Mapagpalayang araw ng kalayaan.

Hunyo 12, 2020

– MoonLuna

By Moon Luna

Expect the unexpected

Exit mobile version