Antok ako, antok ka.
Bumili ka ng kape para sa’ting dalawa.
Tumungo ka para sabihing ika’y matutulog.
Ako nama’y nakinig na lang ng kanta at pinagmasdan ang ganda ng umaga.
Dahil na rin sa dumadaan at ingay nang mga tao,
Napagdesisyunan mo nalang tumunghay at magkwento.
Tinanggal ko ang nakapasak sa’king tenga para makinig sa’yo.
Sinala ko lahat nang sinabi mo.
Para malaman kung ikaw ba’y totoo.
Nakalimutan ko yatang sabihin na
“Masarap nga pala yung kape”
Pero oo nga pala,
Nasa sachet yun, ilalagay lang sa mainit na tubig tas masarap na.
Three in one yun parang ikaw.
Ikaw na nakapansin sa’kin kahit hindi ako kapansin-pansin,
Ikaw na parang mapapaso sa pagtatagpo ng ating tingin,
Ikaw na dala pa rin ang nakaraan kahit nasabi mo ng nakausad ka na.
Wala naman akong pakialam kung mainit pa o malamig na yung pagtingin mo sa nakaraan,
Hindi naman kasi ako “hulog” sa ‘yo sa totoo lang.
Ang sa’kin lang,
Yung “narinig” ko at “nakikita” ko dapat tugma.
Ano bang tingin sa’kin? Tatanga tanga?
Three in one rin ako dude, pero sa ibang paraan.
Hindi ako yung hinahanap mong tamis,
Kasi ako yung pait.
Hindi ako yung kayang makipagsabayan sa init,
Kasi ako yung parating malamig.
Yung pangatlo, basta hindi lang ako yung hinahanap mo. Kasi ayoko na maging ako yung hinahanap mo.
Gets?
Kahit hindi ako kinikilig,
Marunong ako mag-pahalaga,
Kung sana lang ginawa mong tugma.