KATHANG-ISIP

“KATHANG-ISIP”

Isang masayang sandali,
Ang makita kang muli.
Masilayan ang matamis mong ngiti,
Lungkot ko’y iyong napapawi.

Parang magkahawak ang ating kamay,
Tila tayong dalawa’y naglalakbay.
Isa kang maliwanag sa bukang-liwayway,
Na sabik kong kinahihintay.

Gusto kong maglibot tayo,
Kahit ikutin pa natin ang buong mundo.
Kung ikaw naman ang makakasama ko,
‘Di ako tatanggi papayag ako.

Bawat araw inaabangan ka,
Kahit saglit ikaw ang naaalala.
Parang kang artista sa k-drama,
Buhok pa lang ang gwapo na.

Oras man ang ating kalaban
At parang may pader na pagitan.
‘Di ako matitinag na ika’y titigan
Kahit ito man lang makabawi ako nang tuluyan.

Wari’y nagtataka ang isip ko,
Bakit gano’n parang ang layo mo?
Tila isang salamin na malabo,
‘Di ko makita ang ‘yong pagkatao.

Ba’t isang larawang kupas ang nakikita ko?
Tipong tabi lang kita pero parang ika’y nasa dulo.
Binabanggit ko ang pangalan mo,
Pero ‘di ka man lang lumingon para klaro.

Hanggang sa magising ako,
Panaginip lang pala ang lahat ng ‘to.
Gusto kong magising sa katotohanan,
Imahinasyon lang pala ang bumabalot sa’king isipan.

Pinalasap lang ako ng konting kaligayahan
Nang sa gano’n ito’y aking maramdaman.
Tulad ng dalawang taong nagmamahalan,
Masaya sa una pero sa huli ‘di nagkatuluyan.

Habang isinusulat ko ito,
Maraming tumatakbo sa isip ko.
Hanggang sa aking napagtanto,
KATHANG-ISIP lang pala ang lahat ng ‘to.

Exit mobile version