Kaya Ko Ba? O Kakayanin Ko Ba?

If you’ve read my other post. Pardon me for the error and mistake. Here’s the new one. Hope it makes your gloom side be brighter. Godbless!

Hindi ko alam kung paano, bakit at saan magsisimula.

Puso’t isipan ko ay patuloy na hindi magtugma.

Hindi ko alam kung ang mga dapat ba ay sasapat.

O talaga bang hindi ako sapat?

 

 

Kaya ko bang humakbang palayo?

Palayo sa mga bagay na patuloy sa paghatak sakin pabalik at sa mga bagay na nakagisnan na.

Oo, alam kong kailangan kong umalis pero paano kung ang paghakbang ko palayo ang siyang lalong magdulot sakin ng sakit?

Kaya ko ba? O kakayanin ko ba?

 

 

Dapat diba kayanin ko?

Pero bakit ba ako’y puno ng takot at pagkabalisa.

Ang pag-iwan at paglimot sa nakasanayan ay tila ba napakahirap.

Para bang ako’y nakagapos at tila may isang pumipigil sa akin.

 

 

Sa totoo lang ang sulat na ito’y hindi alam kung saan patungo.

Patuloy sa pagsulat ngunit ang nararamdaman ay hindi mapagtanto.

Ngunit alam kong kailangang unawain at intindihin.

Upang ang sulat na ito’y malagyan ng ending.

 

 

Sasabihin ko sayo hindi ko gustong umalis pero para sa ikabubuti mo at sa ikabubuti ko kailangan kong humakbang palayo.

Hahakbang akong pakonti-konti upang sarili’y matagpuan.

At sa paghakbang kong ito alam kong walang kasiguraduhan na may tuwa o ngiti ang labi sa dulo.

Pero pipiliin ko ito kasi malaki ang aking pagtitiwala.

 

 

Ngunit isa lang ang aking nasisigurado, na sa paghakbang kong ito alam kong kasama ko siya.

Siyang andiyan at maaasahan, sa kanya’y natagpuan at nasumpungan ang tunay na pagmamahal.

Kaya naman alam kong sa lungkot at saya, sa aking pagbagsak at pagbangon.

Alam kong kakayanin ko sapagkat Siya’y dakila at ang pag-ibig Niya (Si Hesus) ang siyang mananaig sa akin.

Kaya alam kong sa huli kaya ko at kakayanin ko dahil sa tulong ng ating Panginoong Hesus.

Published
Categorized as Poetry

By Leddy Lou

One of my addiction is writing, to speak what was left unspoken nor to discover different dimension of life.

Exit mobile version