May mga bagay kasing wala sa timing. Yung tama naman sana kaso naging mali kasi nga mali yung oras, mali yung pagkakataon. Parang kayo. Siguro kayo naman talaga ang para sa isa’t isa, medyo kinulang sa timing kasi “tayo pa nung makilala mo sya”. Nakakatangang isipin na all this time, parang ako pala ung kontra bida sa love story nyong dalwa. Na siguro kung wala ako sa equation, siguro mas naging madali ang lahat.
Ipinagpapalagay ko na lang na ganto yung nangyari. Nakakapagod kasing mag-isip kung san ako nagkamali o san ako nagkulang o san ako sumobra. Yung feeling na wala kang mahanap na tamang salita para idescribe yung sakit na nararamdaman mo. Kulang yung salitang masakit. Parang walang justification. Hindi naman to tungkol sa kung para kanino ka ba talaga, kung para saken o sa kanya. Hindi naman to tungkol sa kung ganu tayo naging masaya nung tayo pa tapos biglang natapos kasi sabi mo hahanapin mo ang sarili mo. Hindi naman to tungkol sa kung bakit hindi ako lumaban kasi hindi naman ako bayani para ipaglaban ka. Hindi naman to tungkol sa kung paanong paulit-ulit kang nagsinungaling dahil akala mo hindi kita maiintindihan. Hindi naman to tungkol sa paulit-ulit mong sinasabing “mahal kita” habang nahuhulog ka na pala sa iba. Hindi naman to tungkol sa lahat ng yan. Siguro tungkol to sa istorya nyong dalwa na tama naman sana kaya lang naging mali kasi “tayo pa nung makilala mo sya”
Eto siguro yung way ko para magkaroon ng justification yung “kung paano nyo nagawa yung ginawa nyo saken”. Isisi na lang natin lahat sa TIMING. Just like what you’ve said, “hindi mo naman ko niloko”. Edi sige ganun na lang, yun na lang ang paniwalaan natin. Dahil baka nga “kayo talaga ang para sa isa’t isa, medyo delay sa timing kasi tayo pa.. nung makilala mo sya”. (pasensya na kung ako yung cause of delay)