Sa aking paglalakbay
Sila’y aking nakilala
Estranghero noong una
Ngunit itinuring akong pamilya
Sa kalokohan
Sila’y laging kasama
Sa kalungkutan
Sila’y laging karamay
Kaya’t aming pinagsamahan
Lubos kong papahalagahan
Sapagkat di lang sila kaibigan
Kundi sila rin ay aking pamilya.