Ilang beses mo na nga bang tinanong sa mga kamag-anak, kaibigan at iba pang mahal sa buhay, Kumusta ka? – dalawang salitang noo’y parang napaka-casual lang kung itanong ng karamihan. Those words may not even mean anything to some of us before.
Mahigit isang taon na mula ng pumutok ang balita tungkol sa Covid-19. Maraming tao ang naapektuhang pinansyal, nagkasakit, o nawalan ng minamahal. Few months ago, those same people were still hanging in there as cases decreased and finances improved.
Umasa ka. Umasa tayo na sa susunod na “kumusta ka” ay ayos na. Ngunit sa nangyayari ngayon, hindi pa pala. Because of this, some are at the edge of giving up. Pagod na.
Pagod ka na.
Sa mga nawalan ng trabaho at mga mahihirap na kailangan kumayod – Pagod ka na matakot at magutom.
Sa mga frontliners at health workers – Pagod ka na magsakripisyo. Pagod ka na tumulong.
Sa mga miyembro ng gobyerno – Pagod ka na mag-isip at intindihin ang mga nasasakupan mo.
Sa mga negosyante at nakaaanggat – Pagod ka na magbigay at maglaan para sa iba.
Sa mga mental health advocate and professionals – Pagod ka na makinig at maging sandigan.
Alam kong tulad ko, nadarama at nakikita mo, pagod na tayo.
Pero hindi ito ang panahon na susuko ka. Hindi kung kailan nasimulan mo na ang laban. Hindi kung kailan nawalan ka na ng minamahal. Hindi ngayong may umaasa pa rin sa’yo.
Kailangan mo’ng huminga. Manahimik pansamantala. Pero hindi ka hihinto. Hindi ka susuko.
Not today. Not ever. Fight back. Keep going.