Kung Kailan Kumapit, Saka Bumitaw

May mga katanungan na sa isip ko’y walang humpay.
Gaya ng pagdadahilan ko para ika’y huwag kalimutan.
Wala naman sa plano na ikaw ay magustuhan.
Pero nabihag mo sa iyong mga mata at ngiting hindi ko naiwasan.
Nagsimula sa asaran hanggang sa ika’y akin nang hinangaan.

Gusto ko sanang tulungan kang gumaling
At maging dahilan ng iyong muling pag ngiti .
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit,
Ikaw yung iniwan pero ako yung nasasaktan
Pag nakikita kang lugmok at nahihirapan.

Takot ang syang unang naramdaman.
Dahil baka ang lahat ay isang kathang isip lamang.
Pero di parin nag pa awat at tuluyan na ngang sumugal.
Sinubukan kong muling kumapit.
Ngunit sabay sa aking pag kapit ay ang syang pagbitaw ng kanyang mga kamay.

Bakit ganun? Bigla akong nalito.
Pareho naman ang hawak nating libro.
Ngunit mali pala ang pahinang aking nabuklat.
Dahil habang handa na akong samahan ka at bumuo ng sarili nating istorya, 
Sa iyong istorya ay sya parin pala ang bida.

Ang hirap palang kumurap.
Mawawala nalang bigla ang lahat sa isang iglap.
Sana hindi nalang pala sumugal at kumapit.
Ngayon aking napagtanto na habang may mga bagay na hindi nag tatagal.
May mga bagay naman na sadyang hindi tinadhanang magsimula.

Exit mobile version