Kung Makakapagsalita Lamang ang mga Liham

Kung makakapagsalita lamang ang mga binigay mong liham, ano kaya ang maari nilang sabihin? Para sayo? Para sa akin? Para sa atin?

Di ko makakalimutan ang mga unang beses na binigyan mo ko ng liham. Hanggang sa ang mga unang beses na yun, naging parte na ng iyong mga sorpresa. Mga sulat na may hatid na saya, kilig at tuwa. Mga liham na ang tanging laman ay ang iyong pagmamahal.

I’ll never let go of this journey of eternity with you.”
“You are a woman who’s worth every fight.”
“Thank you for making me the luckiest man in the world”
Please dont get tired of me, of us, of waiting.”
“You are my everything.”

Ika mo pa nga. Ito yung mga ilan sa mga salita mong tumatak sa aking isipan. Napapangiti ako nung unang beses kong nabasa yun.

Siguro kung makakapagsalita lang ang mga love letters, baka sasabihin nilang. . .

Hoy, ikaw na nagsulat, bakit ang dali mong makalimot? Hindi ba’t nilaanan mo ko ng oras para maibuhos mo lamang yung pagmamahal na yun sa kanya. Pinag isipan mo lahat ng sasabihin para maipakita mo na totoo ka sa iyong nararamdaman. Bakit mo sinayang? Bakit di mo napanindigan? Dahil nakakita ka ng mas higit sa kanya? Dahil ba sa napagod ka? Dahil ba sa may mga kahinaan ka? Minsan ba naisip mo kung anong naramdaman nung babaeng pinandalhan mo ng sulat? Alam mo ba kung ilang beses syang umiyak sakin? kung ilang patak ng luha ang naibuhos nya para ipaglaban ka at para ipaintindi sayo na hindi ikaw ang taong sasaktan sya? At kung ilang beses syang umasa na babalik sa dati kasi umasa sya dun sa mga sinabi mo na kahit anong mangyari, she’s worth every fight, she’s your everything, maswerte ka sa kanya at never kang bibitaw at mapapagod. Pero anong nangyari, tinapon mo nalang lahat.”

“Oo ikaw na pinakilig nya at nagbabasa ng sulat kamay nya, wag ka ng malungkot. Itapon mo ko, sunugin mo ko o punitin mo ko. Baka ng sa ganon mabawasan ang sakit at sama ng loob na pinaramdam nya. Naiintindihan kita kasi nagmahal kalang naman. Umasa ka lang naman. Naniwala ka lang naman na kaya nyang panindigan lahat ng mga sinabi at pinangako nya para sayo. Mahirap talaga yan lalo na kung minahal mo ng totoo. Kaya kung ayaw mo kong makita, maiintidihan ko. Nahihiya ako kasi naranasan mong maging ganyan. Dahil sa kanya, naranasan mong umiyak, masaktan at malungkot. Di mo kasalanan, napaniwala ka nya lang naman. “

” Oo kayong dalawa na dating nagmamahalan, bakit kelangan humatong sa ganito? Bakit di nyo pinaglaban na magkasama? Bakit hinayaan nyo lang na isa lang ang lumaban para sainyo? Dahil sa pride? Dahil sa ego? Dahil isa sa inyo ay ayaw makontento? Para saan pa kami na mga liham kung magiging parte lang naman din pala kami ng isang mapait na nakaraan? Sa susunod, wag nyo kaming gamitin para magpakilig kung ang lahat ay sa una lang masaya at kung ang lahat ay nadadaan nalang sa matatamis na salita. Sa susunod wag kayong mangako kung mapapako lang naman. Kasi mahirap kung sa dulo, mawawalan naman pala kami ng saysay. Kung sa dulo, ipapatalo nyo lang naman pala lahat.”

Liham na naglalaman ng mga katagang mahirap para sa akin burahin pero madali para sayo bitawan. Liham na may mga katagang hanggang balik tanaw nalang. Mga katagang kung dati’y ako’y kinikilig, sa ngayon ay iniiyakan.Mga katagang kung dati’y may kahulugan, ngayon ay wala ng kasiguraduhan.  Wala ng kasiguraduhan kasi wala ng halaga at kailangan ng kalimutan.

Ang lahat ng mga alaala natin ay parte na ng ating kasaysayan. Saksi ang mga liham sa mga binuo at bubuin pa sana nating pangarap. Pero sa kasaysayan na yun, nakatago na ang saya at lungkot. Naglaho na ang lahat. At kung madali mong nagawang makalimot, siguro nga’t magagawa ko rin. Parang pagsunog nitong mga liham, paunti-unti’y, magiging abo rin.

Exit mobile version