KUNG SANA NAGHINTAY AKO…

Sana natututo ka na sa lahat ng mga pinagdaanan mo.

Ang daming pangako sa sarili, pangakong para sa aking ikabubuti. Ingatan ang dapat ingatan, ipreserba ang dapat ipreserba. Ngunit dahil sa pagmamahal ang bilis naglaho, ang bilis nawala. Wala e, hindi ko na namalayan. Hindi ko na alam bakit ko pinayagan. Natakot ako. Natakot akong mawala siya. Natakot akong baka kapag di ko ginawa, mawalan siya ng gana. Oo, yun yung nasa isip ko dahil hindi ako lumaki nang may kumpletong pamilya, kaya siguro sa sobrang paranoid ko nagawa ko nalang yun, bumigay nalang din ako. Ang hirap no? Ang sakit na sarili mo mismo yung kalaban mo. Naging masaya kami, tumagal, nag-away, nag-iyakan, nagkabati, nagkahiwalay. Hindi ko na kayang ipaglaban, pakiramdam ko kasi masyado ko nang isinusugal lahat. Lahat ng hindi naman dapat.

Sana… Kung sana naghintay ako. Kung sana hindi ko minadali lahat, edi sana kumpleto pa rin ako. Edi sana napreserve ko yung regalong dapat at nararapat lamang sa mapapangasawa ko.

Sana… may tumanggap pa rin sakin. Pero teka, ako muna. Ako muna sa ngayon. Patawarin ko muna ang sarili ko, mamahalin ko muna yung “ako” bago ulit ako magtiwala sa ibang tao.

Leave a comment

Exit mobile version