Labin’ Isang Taon Na Rin
Nagsimula ang lahat noong tayo’y nasa elementarya. Siyam na taong gulang ako noon nang ika’y nakilala. Akala ko dun narin magtatapos ang lahat pagkatapos kong lumipat ng paaralan, malayo sa ating nakagisnan, sa isang probinsya. Nakalimutan kita panandalian subalit may mga araw na pilit kitang hinanap sa facebook ngunit hindi kita mahagilap. Sumuko ako. Nagpatuloy sa buhay at sa pag-aaral ko. Grumaduate ng high school bilang 1st honorable mention pero simula noong high school hindi na kita kailanman na mention. Nagpatuloy hanggang college at sa unang linggo ng klase nagkita ulit tayo. Nung una hindi ko alam na ikaw yun, hindi kita mamukhaan kasi sa tagal ba naman nating hindi nagkita imposibleng makikilala kita at ganun ka din sa akin. Nabigla ako nung may isang kaklase ako na naging ka klase ko din sa elementarya, ka klase natin. At dun kita naalala. Tinanong ko yung babae kung naaalala ka ba nya at kung saan kana.
Binigay n’ya agad sa’kin ang facebook name mo at sa gabing iyon in.add kita at in.accept mo naman din ako.
Ngayon, madalas na tayong magkita, magkausap, pati asaran sa isa’t-isa halos araw-araw nating ginagawa.
Oo, gusto kita kahit nung tayo’y nasa elementarya pa at bumalik ang lahat noong tayo’y nasa kolehiyo.
Hindi mo man alam o alam mo man ang nararamdaman ko para sayo, maghihintay ako kasi alam ko kung paano sumunod sa tamang proseso. Habang naghihintay, aayosin ko lalo ang buhay ko kasama ang Diyos. Salamat din pala sayo dahil ikaw ang naging daan upang magkaroon ako ng totoong relasyon sa Kanya.
Muli, ako’y maghihintay hanggan sa akin ika’y ibibigay.