Lampara

Nasalubong kita sa daan nung mga
panahong kailangan ko ng liwanag

Sinamahan mo ako dala ang iyong
lampara upang ang daan ay maaninag

Masaya ang bawat kalsadang ating dinaanan
Di ko lubos maisip na sobrang lapit ng
hangganan

Nagpa akay ako sayo kahit hindi sigurado
ang patutunguhan
Tumatak sa aking isip lahat ng dakong
tinahan

Nasanay ako na kasama ka sa bawat araw
na nagdaan
Hindi ko inakalang ako’y mahuhulog ng lubusan

Ngunit kung ang bawat daan ay may hangganan
Di ba dapat sa isip ko’y tinatak tayo rin ay lilisan

Dumating ang araw na aking kinatatakutan
Ang pagsilong ko sayong liwanag ay di mo na kailangan

Ang bawat dilim sa mga mata ko ay di mo na maunawaan
Tila ba nasakal ka na sa ating pagsasamahan

Nagiba ba ang daan or sadyang gusto mo nang mapagisa
Na tahakin ang direksyon na hindi ako kasama

Iwan mo man ako sa aking kinatatayuan
Huwag kang magdalawang isip na ako ay pabayaan dahil…

Palalayain na kita kasama ang pagasang balang araw
Hanggang dulo hinding hindi tayo mangiiwan.

Published
Categorized as Poetry

By gamarays12

I am a person who loves to write about anything under the sun. I believe writing gives us a chance to show and let go of feelings and emotions that we keep to ourselves.

Exit mobile version