Tara kape tayo, hmmm
Ano nga bang nangyari?
Pano ko ba sisimulan?
Sisimulan ko sa kung paano nya tinapos
ang lahat lahat
Sa kung paano nya tinapon ang lahat lahat
Sa kung paano nya sinabing hindi na nya ako mahal
Sa kung paano nya ako iniwan ng biglaan
Pinili kong manahimik
Pinili kong kumalma
Pinili kong itago ang lahat ng iyak at hikbi
Pinili kong itago lahat ng galit at katanungan
Pinili kong ngitian lang lahat
at ilabas lahat sa pagsusulat
Hindi dahil duwag ako
Kundi sinapak na ko ng masakit na katotohanan
Katotohanan na pinili na nya ang iba
Katotohanan na tapos na, tama na, wala ng dapat ipaglaban pa
Ganon siguro talaga,
Life is really unfair pero dear,
God is good. He is so good.
Umabot na ko dito, heto na iyon
Ang hinihintay kong “plot twist” ng buhay ko
Sisimulan ko dito, sisimulan ko sa pagtatapos
Sisimulan kong kalimutan
Ang lahat lahat
Sisimulan kong bumangon
Bumangon para maging masaya
Bumangon para mas mahalin ang sarili
Bumangon para hayaan na lang sila
At masasabi mo na lang,
mas mabuti pala na wala na sya.
Dahil alam ni Lord, at alam ko na rin
Na hindi sya, hindi sya ang inilaan para sakin.