Bibitawan na ang panulat
Pagpapahingahin ang mga kamay na ngawit
Tutal tuyo narin naman ang isip
At ang papel ko’y basa narin
Hihinto na sa pag iisip at puso ay kusang pipikit
Pipikit upang di na mapanood pa ang sining mo sa pananakit
Hindi na ako maaakit
Pipilitin kong di na maramdaman ang sakit
Ang isinulat kong awit ay isang musika nalang sa panaginip.
Ihihinto ko narin ang sa isip ko ika’y iukit
Sapagkat sa puso mo’y may iba na palang nakasungkit
Sa paglaban ko sa labang ako ang talunan
Maaari bang ako nalang ay magpaalam.
Paalam dahil ako ay pagod na
Paalam dahil alam kong masaya ka na.
Hindi na ako aasa pa
Dahil una palang alam kong ang maging TAYO ay malabo na.
Ibabaling ko na lang ang oras at atensyon ko sa pagpapakadalubhasa
Baka sakaling dito ko matagpuan ang panlunas sa sakit na di ko naman inakala.
O sya, hanggang dito nalang ang liham ko.
Sapagkat alam kong hanggang dito nalang din ako,
Hanggang kaibigan nalang ako.