Minsan mapapatanong ka,
Kung paano ang hangin ay nagiging malamig sa bawat bigkas ng salitang Mahal Kita.
Kung paano ang ulap sa langit ay umaapak sa lupa sa paniniwalang ikaw ang unang sinambitan ng salitang mahal kita.
Madaling mabulag ang isang taong nakakakita kada naririnig ang salitang mahal kita sa taong nagsasabi nito.
Mahal Kita.
Salitang matamis bangitin ngunit pamatay ang bagsik,
Parang isang laso ang hagupit na tumatama sa isang pusong sawi.
Mahal Kita.
Siguro hanggang dito nalang.
Kahit mainit ang dampi ng salitang ito sa aking bibig,
Ay malamig ang paligid sa tuwing makikita ka na wala sa aking tabi.
Mahal Kita.
Ay, teka ita-tama ko –
Minahal kita.