Nagsimula tayong dalawa bilang magkaibigan,
At ngayo’y naging magkasintahan.
Dahil narin sa mga asaran at tuksuhan,
Na kagagawan nang ating mga kaibigan.
At sa mga panahong nagdaan.
Masaya tayong magkasama’t nagkukulitan,
Na parang magkaibigan lang ang turingan
At parang bata lang na nag-aasaran.
Pero minsan,
Hindi talaga nating maiwasan,
Ang pagtatampo’t awayan
At palagi nalang nauuwi sa walang pansinan.
Kaya mabagal nating nasosolusyunan,
Kasi minsan pride natin ang pinapairal!
Ngunit hindi mo naman iyon hahayaan,
Na alam mo namang ikaw ang may nagawang kamalian.
Hindi ko man alam,
Na sa tuwing tayo ay nag-aaway,
Na sa isang salita mong “PATAWAD”
Mabilis tayong nagkakaayusan.
Masaya man ang ating mga nakaraan,
Ngunit paulit-ulit nalang!
Na nauuwi tayo sa pagtatampo’t awayan,
At minsan ako’y nagsasawa na riyan!
Palagi nalang! Palagi nalang ba ganito ang ating hahantungan?
Minsan, hindi ko maiwasan,
Na sumagi sa aking isipan,
Na sana hindi nalang kita naging kasintahan.
At sana nanatili nalang na magkaibigan,
Na masayang magkasamang nagkukulitan at asaran,
At magkasama kahit saan man.
Masakit man,
Pero ito’y aking pinagdesisyunan.
Na kahit ako’y nasasaktan,
Na ngayo’y porsigidong ika’y bitawan!
Para lang naman ito sa ating kapakanan.
Na ang tanging hiling ko lang,
Na sana mahanap mo ang dating ikaw!
At bumuo nang bagong buhay,
Na kailangan mo akong kalimutan at bitawan.
Na kahit gusto mo mang tayo ay maging magkaibigan,
Alam mo na malabong mangyari yan!
Na mas lalo lang tayong mahihirapan,
Na bumitiw at kalimutan ang ating nakaraan at nararamdaman.
“FRIENDS CAN BE LOVE BUT LOVE CAN’T BE FRIENDS”