Naaalala mo pa ba ang panahong nagkakilala tayong dalawa? Na parang wala akong ibang nadama kundi puro saya. Talaga nga’ng ako sayo’y namangha. Hindi dahil sa ika’y maganda kundi dahil sa magandang ugali na iyong ipinakita. Oh kay bilis talagang nahulog ang loob ko sa’yo. Sa sobrang bilis ay di ko na namalayang nahuhulog na din sa’yo ang puso ko. Ano ba tong nadarama ko? Ganito din ba ang nadarama mo? Ahhhh… hindi pala, nagkakamali ako. Siguro minamadali ko lang talaga ang magkaroon ng salitang “TAYO”. Sa kabila ng lahat na hindi ako sigurado. Kung meron bang “AKO” sa buhay “MO”. Oo aaminin ko, nagmamadali ako dahil natatakot akong wala na akong ibang makita na katulad mo. Araw-araw kong ipinapakita at ipinapadama kung gaano ako ka seryoso sa’yo. At alam kong alam mo na ni minsan, kahit wala kang oras para sa’kin hindi ako nagreklamo. Sino nga ba ako para sa oras mo? Ako lang naman kasi ang kaibigan mong kinukulit na tila palipas oras lng ang trato. Naiintindihan ko na sa panahong malungkot ka, ako yung nandun at ginagawa ang lahat upang ika’y mapasaya. At nung panahon na ako ang malungkot. Nasan ka? Ahhh. Ikaw ay nakalimot ata. Ngunit hindi nga ako pwedeng magreklamo dahil nga sa walang tayo. Patawad kung pinapangunahan ko ang damdamin mo. Patawad kung pinagpipilitan ko ang sarili ko. Patawad kung gusto kong suklian mo ang lahat ng ginagawa ko para sa’yo. Wala akong ibang masabi kundi patawad. Ang lahat ng aking nadarama ay akin nang nailahad. Huwag kang mag-alala dahil naiintindihan kita. Ako naman din ang may kasalanan dahil ako ang “UMASA”. Kung may sagot ka na sa tanong na “SINO AKO SAYO”, at kung ang sagot mo ay “MAHAL MO NA DIN AKO”. Patawad, sana iyong maintindihan nang dahil sa pagka “MANHID” mo, natutunan ko ang salitang “SUMUKO”.