Magastos Ang Magkajowa

Legit di ba? Uy, tatanggi pa! Oo totoo yan. Noon kasi halos 30% lang ng sweldo ko ang nagagastos ko para sa mga bills at suporta sa pamilya. Yung 10% naman, pang gimik, travel o kaya naman pag may mainit sa mata na nakadisplay sa mall,bili kaagad. Yung natitira, savings ko na lahat. Isa ako patunay na kapag single ka, may savings ka! Hanggang sa nainlove ako at nagkaroon ng jowa. Simple lang naman siya, di rin siya nagdedemand o nagrerequest. Siguro dahil matagal akong single kaya naipon sa sistema ko ang mga salitang sweetness at effort kaya naeenjoy ko ang magbigay ng regalo, date at travel naming dalawa. Kilig na kilig ako kapag nakikita ko si jowa na nagbubukas ng mga regalo ko sa kanya, sumisingkit na yung mata niya sa pagsmile. Gusto ko na nakikita lagi yung smile niya at napapapalakpak sa tuwa kaya akala ko kailangan lagi na may regalo, date o travel. After four years, heto na kami ngayon at naghahanda para sa kasal naming sa November. Natatandaan ko pa nung nagpropose ako sa kanya, iyak siya ng iyak. Sabi niya “you are my blessing not because of what you were able to give but because you are being the real you”. Di ko masyado nagets that time kasi luting ako sa Yes na nakuha ko that time. Makalipas ang ilang araw, dun na nagsink in saken ang ibig niyang sabihin. Hindi ako minahal ng jowa ko dahil sa mga material na bagay na kaya kong ibigay sa kanya, mga date at travel na magkasama kami, kundi dahil nagpakatotoo ako kung sin at ano ako, na kamahal mahal ako bilang ako. Narealize ko din na kaya hindi siya nagdedemand or nagrerequest ng mga material na bagay ay dahil hindi naman siya nakafocus don, kaya pala mas gusto niya na lagi lang kami nag-uusap at gusto din niya na nakikita na masaya ako kapag magkasama kami, kasi yun lang sapat na. Hindi ko pinagsisisihan o bibilangin ang halaga ng nagastos ko dahil ginawa ko ang lahat ng effort dahil nagmamahal ako. Di ba yun naman ang mahalaga? Siguro sasabihin ng iba na ang baduy ng katwiran ko pero wala eh, ganun talaga. Hindi kayang bilhin ng lahat ng ipon ko noon hanggang ngayon ang saya na nararamdaman ko dahil nagmamahal ako. Sinasabi lang ng mga single na mas ok na may ipon kaysa may karelasyon, kabitteran yon! Magastos ang magkajowa pero may kakaibang feeling ang magmahal. Sa relasyon naman hindi kailangan magbilangan ng effort o sweetness, ang importante yung fulfillment at contentment na nakukuha mo dahil sa partner mo. Ikaw, magastos ka din ba nung nagjowa ka, pero nagging masaya ka?

Exit mobile version