Kailan ba yung TAMANG PANAHON? Wala po bang specific date? Month? Year?
Kung hindi naman ikaw yung inilaan, bakit di’ pa kita mabura-bura, bakit nararamdaman pa kita? Bakit ikaw parin ang itinuturo ng puso ko? Bakit pakiramdam ko, pilit kang ipinakikilala sa akin ng Diyos?
Eh.. bakit ako nasasaktan?
Pero handa akong maghintay, kahit hindi man ako ang hinihintay mo, handa akong sumugal, hindi man ako ang dahilan ng pagtibok ng puso mo, handa akong masaktan…
Dahil ikaw ang ihinarap sa akin ng Diyos. Tinatanggap kita ng walang alinlangan, mamahalin kita ng walang hinihinging kapalit… hahayaan ko nalang na kusa mo itong maramdaman.
Ngunit kung lahat ng ito ay isa lamang kalinlangan ng utak ko at ilusyong binubuo ng puso ko. Babaliktarin ko ang kwento.
Kung sakali man na hindi nagsisinungaling ang puso ko… Ipaglalaban ko ito.
Gustuhin ko mang pigilan ang nararamdaman ko, didingas at magliliyab parin ito.
Kaya’t maghihintay na lamang akong mapagod ang puso ko at kusang sumuko.
Hanggang sa dumating ang tamang panahon na ipinangako ng Diyos.
Hindi ko pagsisisihan ang hintayin ka, palarin man ako o mabigo.
Maghihintay parin ako na marinig mo ang awit ng puso ko na sa’yo lamang ipinapangalan.
Gaano man katagal, gaano man kahirap…
Maghihintay ako.