Magpakailanman

Naalala ko pa mga panahong tayo pa,
Ang saya naman natin diba?
Hindi pa rin ako makapaniwala,
Lahat ng mga iyon ay biglang nawala.

Mga masasayang oras na ika’y kapiling,
Ito parin ang aking tanging hiling,
Saan ko kaya lahat ito maibabaling?
Ang sugat sa puso ko, kailan kaya gagaling?

Ang mundo ko’y sayo lang umikot,
Ang nakasama ka’y saya ang dinulot.
Kaya sa iyong paglisan ako’y napuot,
Tagos ang hapdi, sa katAwan ay nanuot.

Nilimot mo na ba ang ating pag-ibig?
Pangalan na niya ang iyong bukambibig,
Sa kanya na nakatuon ang iyong mga titig.
Siya na ba talaga ang iyong iniibig?

Ano nga ba ang meron sa kanya,
Na sa akin ay hindi mo nakita?
Ano ba ang lamang niya,
At sa kanya ikaw ay nahalina?

Mga tanong sa isip ko,
Hanggang ngayon ako’y nalilito,
Puso ko ay gulong-gulo,
Hindi ko parin mabitawan ang pagmamahal ko sa iyo.

Sobrang sakit parin sa damdamin,
Hindi ko yata makakayang ikaw ay limutin,
Ikaw pa rin ang ninanais kong yakapin,
Hanap hanap ka pa rin ng utak kong isipin.

Kahit nakapikit na’y naaaninag ko parin ang iyong mukha,
Sa iyo parin ang puso ko’y humahanga,
Tuwing gabi ako’y lumuluha,
Nanghihinayang sa kasiyahang mawawala.

Ganito pala kapag nagmahal ka ng totoo,
Kapag nawala na siya’y di ka na buo,
Parang lahat ay may kulang, hindi na makumpleto,
Kakayanin ko pa kayang maging masaya hanggang sa dulo?

Alam kong mayroon na kayong araw na itinakda,
Kung kailan ang pag-ibig ninyo’y ipag-iisa ni Bathala,
Sobrang sakit man, wala na akong magagawa,
Ipapanalangin ko parin ang inyong pag-iisa/pag-aasawa.

Hayaan mo ikaw ay aking titigan,
Dahil sa altar na lang ang hangganan,
Pag-ibig ko ay akin ng bibitawan,
Sa oras na kayo’y nangako na sa isa’t isa ng magpakailanman.

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version