“Magulo parang kami”

Paano ko ba uumpisahan ang tulang ito

Uumpisahan ko ba ito sa kung paano tayo nagkakilala o Uumpisahan ko to kung paano tayo magwawakas?

Man, Ilang buwan na ang lumipas pero ang ating samahan ay hindi pa kumukupas

Ngunit masasabi ko sa ating sitwasyon ay tila ba hangin na pumapagaspas

Hindi matukoy kung saang direksyon lalapag

Mahal, Oo tama ka, tama ka sa iyong narinig. Mahal

Mahal na nga kita! Mahal na nga kita. Mahal.

Subalit, ako’y litong lito na.

Oo, nalilito na ako sayo

Nalilito at naguguluhan na ang puso’t isip ko kung ano ba talaga ako sayo

Kung ano ba talaga tayo?

“ANO NGA BA TALAGA TAYO?”

Tanong na paulit ulit na gumugulo sa aking isipan

Ngunit hindi talaga masagot sagot ng aking kaisipan

Ganito nalang ba?

Ganito nalang ba tayo?

Paulit ulit nalang ba akong magiisip kung ano ba talaga yung papel ko sayo?

Kung ano ako sa buhay mo?

Sa totoo lang, napaka confusing ng mga actions mo

Hindi na kita maintindihan minsan

Gulong gulo na isip ko

Sa lahat ng ginagawa at pinapakita mo

O wag mong sabihin, na kaya ka ganyan dahil sidechix mo lang ako

Kaya ba di mo kayang panindigan mga actions mo?

Ganun ba? Napakahirap intindihin yung sitwasyon natin

Nagbubulag, bulagan nalang ako

Nagbubulag bulagan kahit alam ko naman na ang sagot

Pero pilit parin yung side mo yung iniintindi ko

Hindi na kita masakyan

Mahal nga kita, pero ganun din ba nararamdaman mo?

Mahal kita, pero tama ba ito?

Mahal kita, pero ang daming pero.

Pero eto lang masasabi ko sayo

Pangseryosohan ako, hindi ako pang landian lang.

Exit mobile version