Butas na ang aking bulsa
Ubos na rin ang aking barya
Ano pa nga ba’ng magagawa?
Kundi mahalin ka aking sinta
Ano pa ba ang tanong mo?
Sa’yo lang naman ang puso ko
Nakaukit na’to sa puno ng mangga
Saksi ang kalangitan at ang mga tala
Nahulog na ako sa’yo
Pati na sa kanal sa harap ng bahay niyo
Amoy pusali at mabaho man ako
Kagandahang loob ng puso ko naghihintay sa’yo
Kung ayaw maniwala aking sinta
Ako’y lilisan na at maaaring ka ng maglandi sa iba
Isisilid ang aking puso at maghihintay sa darating na pag-asa
Mahal kita walang iba, ito ang patunay aking sinta