Maingay na Pananahimik

Ingay ng Tao at sasakyan sa paligid
Mga bahay at tindahan sa gilid
Mga chismosang kita na ang mga litid
At ikaw na tahimik lang na nagmamasid.

Paano nga ba kinaya ang biglaang pananahimik?
Kahit sa pagtulog ay hindi rinig ang paghihilik
At sa gabi’y nakahiga at patagong tumatangis
Na minsa’y dating mga masasarap na bungisngis.

Nasaan na ang ngiting nakasanayan?
Na dati’y nagpapakita ng totoong kasiyahan?
Ang mga matang nangungusap
Na doon palang ako na’y kinakausap?.

Siguro nga’y napagod na rin ang puso
Nakaramdam na rin ng pagkapaso
Dahil noo’y kaya namang magtiis at magtago
Pero ngayon siguro tama na rin muna para tayo nama’y lumago.

Nahihirapan na rin kasi ang mga damdamin
Parehong kaharap ang mahiwagang salamin
Pero sa sarili lang naman nakatingin
Kaya’t di magkaintindihan ang mga pusong may pagtingin.

Exit mobile version