Malabo.

Magkausap sa buong magdamag

Mga salitang nagbibigay sinag

Sa damdamin kong sayo ay habag

Ako na ba’y nagiging bulag?

O sadyang nadadala lang sa’yong mga matatamis na pahayag. 

Usapang malabo

Mga salitang sa aki’y dumapo

Minsan sa aking mundo

Isipan ay gumulo

Saan nga ba ito patungo?

Aabot nga ba hangaang sa dulo?

O hanggang doon lang sa kung saan “okay tayo”?

Nalilito, gulong-gulo ang aking isipan. 

Dapat nga ba kitang pagkatiwalaan?

Ito na nga ba ang aking kinakatakutan

Na tuluyang mauwi lahat sa hangganan?

Lahat ng akala kong walang katapusan,

Lahat ng akala kong puro kaligayahan,

Lahat ng akala kong pareho ang nararamdaman,

Lahat ng akala kong habang buhay magdadamayan. 

Ang nais ko lang naman sana ay maging masaya

Sa piling ng taong tunay akong sinisinta

Hindi yung puro laro lang hanggang mauwi sa wala

At magkasakitan dahil hindi pa sigurado ang isa. 

Bago sana tayo pumasok sa ganitong ideya

Una na nating inisip ang magiging resulta

Para hindi tayo makasakit sa damdamin ng iba

Ipanalangin muna ng maigi kay Bathala

Upang sa bawat isa’y maging pagpapala

At habang buhay nang maging masaya

Sa piling ng isa’t-isa. 

Leave a comment

Exit mobile version