Malaya Ka Na

Sumulat ako dahil sa nararamdaman ko sa kanya.

Idadaan na lang sa tula ang lungkot na dulot nya.

Namamanhid na ang puso ko nang dahil sa kanya

kasi paulit ulit ko sinasabi na baka may pag-asa pa

 

Na baka sa pag-gising nya mahal na nya ako, pero alam ko

may mga bagay na kahit gusto ko kailangan kong bitawan

kahit na napapasaya mo ako ay kailangan pa ding iwasan.

 

May mga desisyon na kailangang gawin kahit napipilitan

Dahil sa huli alam ko ako din ang masasaktan

kaya ngayon siguro ako na lang ang lilisan.

Mahal ibinibigay ko na ang iyong kalayaan

ako ay titigil na sa pagpaparamdam na kung gaano kita kamahal.

Ngunit ito ang iyong tandaan, titigil lang ako pero ikaw pa din ang aking mahal.

Published
Categorized as Move On

By justine

Child of God

Exit mobile version