Hindi ko alam kung mabuti pa ba yung mga nangyayari sa akin. Simula ng napamahal ako sayo at narealized ko na mahirap pala maging tayo, parang nawala na ako sa tamang daan. Nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Ayaw ko ng gawin yung mga favorite hobbies ko. Hindi na ako makatulog ng mahimbing. Natutunan kong mag inom mag isa kasi di ko na kaya yung sakit, na gusto ko na lang mag pa kalunod sa alak para makalimutan kita kahit sandali tapos makakatulog na lang ako. Nagawa kong gumawa ng mga sulat sayo kasi sobra na yung mga naiisip ko. Naiisip kita mula umaga hanggang gabi. Pag kagising, habang naliligo, habang kumakaen, habang nag lalakad papasok sa trabaho, pati sa trabaho naiisip kita, nakikita ko muka mo at namimiss ko boses mo lalo na mga yakap mo, hanggang sa pag uwi ko sa bahay at bago matulog.
Napapagod na ako mag hintay, pero sabi ko laban lang. Nasasaktan at napapraning din kasi ako dahil alam kong hindi ako yung priority mo. Pero hanggat alam ko na may nararamdaman ka din para sa akin, hindi ako titigil na hintayin ka at umasa. Alam kong kaya ko kahit gaano pa katagal. Ang masama lang nito, hindi pa ako ready na harapin yung time na sasabihin mong hindi mo pala talaga ako mahal at impossibleng maging tayo.
Bahala na. Basta andito lang ako, nag mamahal ng totoo sayo.
I love you P.