Mali kasi yung nararamdaman ko para sayo, di ko naman pwedeng sabihin sayo kaya dito na lang.

Itago niyo na lang ako sa alias na MTFLTL. FIrst time ko gumawa ng ganito.
kaya ipagpaumanhin niyo.

April 13, 2019, 10:52 pm  @MTFLTL …ung puso mo

galit na galit ako dahil sa simpleng pag aalert team na pinagawayan namin ng classmate natin, pero sa simpleng chat mong ito humupa ang galit ko, nakinig ka sa sama ng loob ko na wala akong mapagsabihan, pero di ko inakalang sa mga katagang ito rin magsisimula ang saya at sakit ng puso ko.

puro kulitan na lang tayo… di ko namalayan na naiin-love na pala ako sayo.

umaga, tanghali at gabi, tinigil ko na ang paglalaro ng ML para lang magkachat ka ng mas matagal.

 

Naging clear naman tayo sa una palang. binara mo nga ako sa mga simpleng pick up lines ko eh.

wag ako MTFLTL, alam mo naman na may boyfriend na ko … sabi ko alam ko naman yun… *medyo nahiya ako*

di ko gustong landiin ka, matino akong lalaki NGSB nga ako ee. Sa loob ng 3 years na nakilala kita, humanga ako sayo,ika nga nila crush… dahil crush nga kita, syempre curious ako, gusto ko sanang makilala ka at friendship lang talaga ang habol ko sayo nung una…

simplehan lang natin to…
nakilala natin ang isa’t isa, mas nakilala kita…

kinain ko yung sinabi ko sa sarili ko na friendship lang ang habol ko.

ako ang TOP 1 mo sa class natin, pero si sir ang TOP 1 NG PUSO MO

ano ba nga naman ang laban ko sa boyfriend mo. hahahah

 

alam ko naman kung saan patungo tong nararamdaman ko sayo,
pero wala eh, mas pinili ko ang pagkawasak ng puso ko,

alam ko na hanggang kaibigan lang tayo,
may mahal ka na at ako naman si tanga.

 

pag nabasa mo ito siguradong malalaman mong ikaw ang tinutukoy ko.

 

Salamat sa friendship na hindi mo ipinagkait, medyo mapait.

Pero charge to experience nga eh, ganito pala ang pakiramdam na mag mahal ng taong hindi pwedeng maging sa’yo.

Hindi mo ko pinaasa, ako lang ang umasa.

minahal kita…
may mahal ka na, mahal ka rin niya at  pareho niyong mahal ang isa’t isa.

sino ba naman ako para sirain ang “in a relationship” niyo?

Exit mobile version