Masakit ang tama!!!

Sa isang iglap, lahat naglaho na! Lahat naging parang isang kantang natapos na! Isang lyricong pinilit ibahin ang tema!!! Pero bakit? Dahil un ba ang tama?

 

Nagkakilala sa isang lugar na ang buong akala ko’y lugar kung saan ko makikita ang katahimakan, dahil noong araw din na un, tinapos ko ang matagal nang tinik sa buhay ko… isang bangungot kaya pinilit kong gumising… at sa pag gising ko’y ikaw ang sumalubong…

 

Akala ko nga’y hindi mahuhulog, dahil hindi pa hilom ang mga sugat noon… pero, binigyan mo ng ngiti ang mga labing kay tagal ng hindi na ngiti, ang puso ko’y pinaindak ng kay bilis, kahit akala ko’y kinalawang na ito…

 

Ikaw nga din ang nag sabi ng mga katagang ” wala sa oras, araw o taon ng pagsasama ng dalawang tao, kaya mo sya makikilala, kundi puso nyo mismo ang magkakakilala kahit isang minuto mo pa lang syang masilayan”, at tama ka, ang isang minuto’y napalitan ng araw, ng linggo, ng buwan…. lumipas un ng masaya, naramdam ang bawat tamis ng pagmamahal…

 

 

Pero… di ko alam kung anong nangyari… biglang naguluhan… biglang ang hangin na kay tamis bigla na lang napalitan ng pait… kay bilis… kay bilis mong dumating… kay bilis mo ding umalis… ginawa ko ang tama… pakawalan ka ng walang alinlangan, ibalik ka sa taong dapat nag mamay-ari sau… sa taong pinangako mo ang habang buhay mo…

 

Salamat sa panahong binigay mong muli nang ngiti ang mga labi… ang aking puso… salamat sa mga oras na minahal mo ako… salamat sa pagturo mo, kung paano ko mamahalin ang sarili ko… salamat!!!

Exit mobile version