Masaya ako! Na masaya na tayong ganito..

Eto yun e, yung pakiramdam na ok na.. Na hindi ka na naiilang pag kasama mo sya, na sa wakas na overcome mo na yung pagkahumaling mo sa kanya.. Unrequited Love… Yun na yun… One sided, mag isang umiibig… Yung sobrang loka loka at asang asa ka noon na tutugunan nya yung pagmamahal at atensyon na binibigay mo… Yung tuwing gabi pinagdadasal mo na isang araw maging kayo… Na tuwing kasama mo sya, parang umiikot yung tyan mo at gusto mong magbanyo, na kahit sobrang lamig ng paligid mo, pinagpapawisan ka dahil sa lakas ng kabog ng dibdib mo… Na makita mo lang na magtext o magchat sya sayo halos lumundag yung puso mo… Mabuti na lang dumating na din yung araw na.. Ok na! Yung tanggap mo ng hanggang kaibigan lang kayo talaga… Na wala kayong simula at wala din kayong wakas… Kasi magkaibigan kayo, hindi natatapos hanggang dulo at masaya yung pakiramdam mong ganun… Masasabi mo sa sarili mo.. Yes, finally… Hindi na kita mahal… Tapos na kong mahalin kang higit sa isang kaibigan… Masaya akong nakikita kang masaya sa iba, masaya akong may mahal ka na ding iba.. At Masaya akong pinag uusapan natin na may mahal na tayong dalawa..

Exit mobile version