Masaya akong masaya ka Nakakita ka na ng iba Masaya akong masaya ka Nakangiti ka na sa iba Masaya akong masaya ka Ginagawa mo iyon sa iba Masaya akong masaya ka Masaya ba akong masaya ka? Mga katagang mahirap bitawan Mga katagang mahirap hindi bumuo ng katanungan Bakit ako kailangan ko pa umiyak sayo? Bakit ako kailangan ko pa mag makaawa sayo? Bakit ang bilis mong ibigay yung mga bagay na aking hinihingi noon? Bakit hindi niya kailangan lumuha? Bakit hindi niya kailangan magmakaawa? Ako ang unang lumisan pero sa huli ako ang may katanungan Maraming sana, maraming bakit Napaka sakit. Aaminin ko wala na akong pag tingin sayo Nasasaktan ako dahil sa mga bagay na ginagawa mo sakanya na saakin ay pinagkait mo Sana masaya kana sa ginawa mo.