“I survived 2018 being single (tatlong taon na pala akong single), dahil sa mga bagay na ‘to.”
1. Mga walang kakwenta-kwentang “Memes” na shini-share ng mga pasaway mong kaibigan.
2. Mga loko-loko mong mga kaibigan na nagshi-share ng mga videos na minsan inspiring pero kadalasan karumal-dumal, hahaha.
3. Mga friends mo sa Facebook na nagshi-share ng mg pictures na: “Just type Amen and miracles will happen.”
4. Friends mo rin sa FB na nagshi-share ng mga pictures ng sandamukal na pera tapos may caption: “Share mo rin sa wall mo at siguradong bukas may blessing na darating sa’yo.”
5. Classmates mo sa college na nag-aaya na mag-outing pero parating na ang 2019 drawing pa rin, ‘di naman mga pintor.
6. Kapitbahay mong nag-aaya na mag-jogging pero alas-dose na ng tanghali pero nakatuwad at naglalaway pa rin sa tulog.
7. ‘Yung mala-Enchanted Kingdom na rides at buwis-buhay na “Footbridge” sa Kamuning pero natutuwa ka pag nakikita mo na si “Super Mario” na umaakyat sa mga Memes.
8. Mga kaibigan mong dini-demonyo ka na ‘wag pumasok sa school at nag-aaya nalang ng inuman or walwalan.
9. ‘Yung pagdami ng mga “Aliens-be-like Fandom” dahil sa pag-invade sa atin ni Nancy at ng Momoland.
10. ‘Yung mga kaibigan mong “abangers sa sahod” imbes kay crush, food is life but tulog is liferrr, susuka pero ‘di susuko.
11. Mga friends mong nakaka-experience ng adulting.
12. Mga tropa mong inaaya ka lagi na mag-mountain climbing pero naka-dress ang datingan.
13. ‘Yung mga taong may Facebook theme na “Pagod is real but bayarin are stronger.”
14. Mga taong ginagawang “Department of Justice” ang social media dahil sa pagpost ng mga problema at away nila ng kapitbahay nila. Ikaw naman ‘to, tawang-tawa kakabasa sa mga comments nila.
15. ‘Yung ginawang Instagram ang Facebook kaka-post ng mga mukha nila na sa sobrang edit, burado na ang mga ilong nila. “Ang ganda mo ah. Naka-Oppo ka ba? Hahaha.”
16. Mga classmate mo nang college na inuuna pa ang mga crushes kesa sa thesis,wahaha.
17. ‘Yung pagtapak ng “Ang Probinsyano” sa pangatlong taon nila na pati ang mga “Anime” Characters ay nagpa-plano na rin kung pa’nu tatapusin si Cardo.
18. ‘Yung walang kamatayan na pagpapalabas ng “Spongebob Squarepants at Naruto sa TV. 31 years old na ako pero anak ng baka, bakit nanunuod pa rin ako,hahaha.
19. Pasalamatan niyo na rin lahat ng Memes ni Gavin, mga pulitiko, ‘yung sumasabok na utak, ‘yung kay Dexter, ‘yung pa’nu mo nasabi ng lalaking kalbo at pati ‘yung loveteam na kino-compare niyo kay Sid ng “Ice Age.”
20. ‘Yung mga friends niyong nag-chi change ng mga profile pictures nila na may captions na wala naman kinalaman sa pagmumukha nila,hahaha. Slow lang ba talaga ako?hahaha.
21. Mga crushes nating mahilig sa “Seenzoned, you can’t reply to this conversation.”
22. ‘Yung mga strangers na nagwave sa’yo pero natatakot kang mag waveback kasi baka magchachat na: “You’re so sexy, send nude pics please,wahaha.”
23. ‘Yung kaibigan mo na out of this world ang pagsulpot tapos biglang nag-wave sa messenger kaso natatakot ka magreply baka kasi uutangan ka na naman.
24. ‘Yung pang-iinvade ni Jose Marie Chan at Mariah Carey sa mga speakers ng mga malls na nagsasabing Christmas na naman pala.
25. Higit sa lahat, pasalamatan natin ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang magshare ng magshare ng mga “Memes” na wala namang kabuluhan pero natatawa tayo na ‘di naman natin alam, wahahaha.
—Kayo na ang bahala sa iba mga Sir at Madamme—
More than anything, we must be thankful sa mga taong naging bahagi ng mga struggles natin sa buhay. Though they’re fighting their own battles everyday pero nakuha pa rin nilang patawanin ka sa mga walang mga kakwenta-kwentang mga bagay na you’re just thinking it’s too small pero ang laki ng impact sa pang araw-araw na buhay mo.
Much more than everything (redundant ba? Ganun ka-intense ang message na ‘to eh.) Be thankful sa “Kanya sa Taas” for all those “done deals” sa buhay mo, “signed contract” sa mga plano mo, “answered prayers” na tumagal man ng ilang milyong siglo, sa wakas natupad ‘din kahit papaano.
“I survived 2018 being single (tatlong taon na pala akong single), dahil sa mga bagay na ‘to.”
Statvs Manila
Photo Credit: Google on Display