mga sana nating dalawa

wag mong hilinging mahalin ka ng taong gusto mo. o mapansin ka ng taong pinapangarap mo. pigilan mong humiling sa balong malalim sa pag asang, baka, baka naman kahit onti ay bigyan ka nya ng halaga. wag kang malulungkot, o sisimangot dahil masaya sya, masaya sya kahit wala ka. wag kang bubulong ng “sana” sana ako ang kasama nya. naisip mo ba? naisip mo ba na pag dumating ang araw na lahat ng sana ay bigyang pag asa? biglang maisip ng Panginoon na sige, tuparin natin ang sana na matagal na binubulong sa kanya.

habang ikaw ay nakatanaw sa iba, andito akong tinatanaw ka. humihiling din sa tala ng sana, sana kahit onti mapansin mo ang aking pag sinta. habang nahiling ka ng atensyon nya, andito ako kayang ibigay lahat ng oras at pag kalinga. habang nabulong ka na sana, pahalagaahan ka nya, andito ako sa sulok, nakatanaw at labis kang pinapahalagahan. di ka kayang makitang nagkaka ganyan.

nalulungkot ako kapag iniisip mo na parang di ka mahal ng mundo. kapag malungkot kang umaasa sa mga sana mo sa kanya. kapag di ka makatulog sa gabi at inaabot ka na ng umaga. nakakalungkot kasi, kung alam mo lang. kung alam mo lang kung gaano kita pinapahalagahan. kung gaano ako kasaya sa ngiti mo na parang walang problema. kung gaano ako kasabik sa mga message mo at inaabangan kahit pag online mo o gaano na katagal ang minutes ago ng messenger mo. kung alam mo lang kung gaano ako ka seryoso sa pag aantay sayo. sana alam mo na kamahal mahal ka, na may taong nag mamahal sayo sa malayo at kaligayahan mo lang ang gusto, pangako.

diba? naisip mo ba? na kung mangyari ang ating mga sana? magulo ata diba? ang sana mo sa piling ng iba, at ang sana ko sa mga yakap mo. sa mga sana mo sa kanya, at ang baka pwede naman ng puso ko para sa sayo.

kung may natutunan man ako, yun ang humiling at mag dasal sa sana na bigay ng ama. hindi sana mahalin ako ng taong mahal ko, ngunit sana, sana kapag nag mahal ako ay mahal din nya ako. sana sa panahong nilaan saming dalawa ay handa ako para sa kanya, at ganon din sya para sakin. handa ang puso namin, handa ang bulsa. sa tamang panahon na nilaan nya, tamang taong ibibigay nya, tamang rason at tamang dahilan dahil ito ay kaloob nya. habang nag aantay, at ginagawa ang mga bagay na paghahanda sa tinakda, mas lakasan pa sana natin ang sana, ang panalangin sa ibibigay nya. wag ka na maglaro, di laro ang pag ibig. humiling sa makakapiling, at baka ang sana natin ay maging salamat dahil dadating ang panahon, tayo naman ang sasaya at mag sasabing, ito na.

Exit mobile version