Midnight chat partner into stranger REAL QUICK!

This is an open letter to someone who was already part of my daily lives but goes back to where we started – strangers.

Hi!
Kumusta ka na? “How’s life?” 😅
Ang weird lang… yung taong lagi mong kausap at nakaaalam ng mga nangyari sa buong araw mo noon ay wala nang balita sa kung anong nangyayari sayo ngayon.

Iba rin eh!
Matapos ang mahaba-habang kwentuhan,
malaman ang mga gusto at ayaw,
magpalitan ng mga jokes,
magbahagian ng mga karanasan sa buhay,
pagpapakilala ng mga kaibigan, miyembro ng pamilya, paglalahad ng mga pang-araw -araw na gawain.
Bigla ka na lang,
Isang araw…
Sasampalin ka ng katotohanan na tapos na.

Alam kong alam mo na hindi ko ninais ang mapalapit sa iyo.
Sa katunayan, pikit mata ko pa ngang pinadala ang mensahe noon sa messenger. Yung simpleng papel na sayo ko makukuha. Tanging yung papel lang naman ang dapat kong makuha… hindi ikaw sa buhay ko na magkaroon ng papel bilang isang kabanata.
Nagulat na lamang ako isang gabi noong nabasa ko ang iyong mensahe. Malinaw saiyo na hindi ko ugaling makipagchat sa mga bagong kakilala pero mahusay ka! Sinugurado mong sasagot ako sa mensahe mo.
Napakahusay mong magdala ng pinag-uusapan. Sa sobrang husay hindi ko na namalayan ang sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa patibong ng “midnight convo thingy”.
Hindi ako magmamalinis, kung pagpupuyat lang ang usapan kaya kong hindi matulog in three consecutive days.
Dahil nga sa mahusay ko… nakita ko na lang ang sarili ko isang gabi hawak ang telepono, tinitignan ang oras…
Pagpatak ng alas-onse ng gabi ay magsisimula ang walang tigil na tunog ng aking telepono at magtatapos ng alas-kwatro ng umaga. Magsisimula sa simpleng kamustahan, anong ginagawa mo at hayan na…
Ikukwento mo na ang nangyari sa maghapon mo. Ewan ko ba naman kase sayo, hindi ko naman tinatanong kung saan ka nagpunta/nanggaling o kung sinong kasama mo o kung kumain ka ba ng tanghalian pero BAKIT KAILANGAN MONG SABIHIN AT Ikwento? Ang awkward lang dahil ngayon lang tayo nagkakilala. Sa tuwing tinatanong kita kung bakit mo sa akin kinukwento lahat ng tungkol sayo ang tanging sagot na nakukuha ko mula sa iyo ay “kaibigan kase kita”. Hindi ko talaga maunawaan noong una pero hinayaan ko na. Hanggang sa umabot na nagsesend ka na ng mga larawan ng kinain, lugar na kinaroroonan mo at larawan mo o ng pamilya. Nakapagtataka ang mga kilos mo… you’re doing/sharing the things that I cannot. We became close sa chat. Ang weird natin, kung kailan hindi na tayo nagkikita tsaka tayo naging close. It feels so good talking and sharing things with you. We have many similarities. From the dream profession, genre ng movies, favourite anime character, etc. Sabi ko nga noon sa sarili ko… “nakahanap ako ng katapat ko.” But don’t get me wrong. What I mean is, it’s like I found a friend with a same interest. Even sa attitude may pagkakapareho tayo. Ang galing lang! We jive sa mga trip sa buhay. Oks na sana… kaso yun nga, matapos ang mahaba-habang kwentuhan, bigla ka na lang isang araw…
Sasampalin ka ng katotohanan na tapos na.
Wala na. Finish na.

Isang taon na rin ang lumipas. Isang taon akong nanahimik.
Nanahimik habang ikaw ay malayang nakapaglalahad ng kwento sa iba. Isang taon ng pag-iwas mula sa iyo taong mula sa ibang planeta. Tama na siguro iyon upang malaman mong… BWISIT ka! Bakit napaka expressive mo? It’s so unfair that I keep everything in myself while you are tweeting your feelings. Nabasa ko lahat. Mula sa buwan na simula hanggang sa katapusan. Sorry kung hindi ko nasabi yung rason o hindi man lang ako nakapagpaalam. Nasaktan kase ako sa mga salitang binitiwan mo noong araw na iyon. I even asked myself if am I worthy.
Sorry if I let you walk away. Believe it or not it’s for your own sake. Sorry if feeling mo iniwan kang muli, pinaasa at sinaktan. Ngunit nais kong malaman mo na hindi lang ikaw ang nasaktan.
Hindi ko man maexpress sa paraang alam mo pero kung nangungulila ka ay nangungulila rin ako. If you feel that I push you away, I felt that part of me is missing when you’re gone. So it’s a tie, I guess?

You know that I hate attachement but I lose because for that short months, you taught me to set aside my fears, my trust issues and learn to break the walls I built. You taught me to trust again but proves to me that breaking my walls is the most stupid decision I’ve ever made. You are an example of what to avoid in the future. To you, if you have time to read this or if you accidentally read it. Thank you for your time but please don’t you ever message me again. I no longer need your “kamusta” nor “How was your day?” Thingy. I’m good, I’m fine and I am doing well. Don’t think that it will be the way it was before. By the way,
I am now asleep before 11pm. Sleeping is life. Haha.

I am now a warrior princess. A princess who is patiently waiting for her king and I know, basically that is not you. Thank you for all the stories we’ve shared. I will now close my life’s chapter having you and ready to open the next chapter without you. Thank you.

 

Exit mobile version